30/08/2026
๐ญ๐ณ๐ฒ ๐๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐น๐ผ ๐. ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฃ๐ถ๐น๐ฎ๐ฟ
๐ญ๐ด๐ฑ๐ฌ - ๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ฏ๐ฌ - ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ngayong araw ipinagdiriwang ang ika-176 taong anibersaryo ng kapanganakan ng kinikilalang tagapagtaguyod ng masoneriyang Pilipino, dakilang propagandista, at tagasimula ng pahayagang maka-Filipino, Marcelo H. Del Pilar na kilala rin sa kanyang sagisag-panulat na Plaridel.
Si Marcelo H. del Pilar (30 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896) ay kinikilala bilang isa sa pangunahing intelektwal at propagandista ng kilusang repormista sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Anak nina Julian Hilario at Blasa Gatmaytan, nakamit niya ang kanyang pag-aaral sa Colegio de San Josรฉ at tinapos ang abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa pamamagitan ng mga sagisag-panulat na Dolores Manapat, Piping Dilat, at Plaridel, ginamit niya ang mapanuring panitikan at pamamahayag upang ilantad ang pang-aabuso at katiwalian ng mga prayle. Kabilang sa kanyang mga pangunahing ambag ang pagtatatag ng Diariong Tagalog noong 1882 at ang pamumuno sa La Solidaridad mula 1889 hanggang 1895, kasama sina Jose Rizal, Mariano Ponce, at Graciano Lรณpez Jaena. Kabilang sa kanyang mahahalagang akda ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Caiigat Cayo, Dasalan at Tocsohan, at La Frailocracia en Filipinas.
Sa kabila ng kanyang pagsisikap, humina ang kilusang propaganda bunsod ng kakapusan ng pondo at kawalan ng tugon mula sa pamahalaang kolonyal. Dahil sa labis na pagpapagal at karamdaman, nawala ang kanyang pag-asa sa mapayapang reporma at nagbabalak na umuwi sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan. Gayunpaman, siya ay pumanaw sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 dahil sa sakit na tuberkulosis.