13/04/2026
๐ผ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ข๐ง๐ญ๐จ โ๐๐๐ฒโ ๐. ๐๐๐ฅ๐ฏ๐๐๐จ๐ซ
Oktubre 29, 1975 โ Abril 13, 2026
Sa pusong nagdadalamhati, ipinapaabot ng buong Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ng aming minamahal na kasamahan at kaibigan, si G. Jacinto โJayโ J. Salvador, na pumanaw ngayong araw, ika-13 ng Abril 2026.
Ipinanganak sa Bulakan, Bulacan noong ika-29 ng Oktubre 1975, inialay ni Jay ang malaking bahagi ng kaniyang buhay sa paglilingkod sa pamayanan at sa pagpapalaganap ng kasaysayan. Nagsimula ang kaniyang paglilingkod-bayan bilang opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Barangay San Jose, Bulakan mula 1996 hanggang 2002, at kalaunan ay naging aktibong opisyal ng Lupong Tagapamayapa ng parehong barangay.
Bilang isang masigasig na lingkod ng NHCP, buong dedikasyon niyang ginampanan ang tungkulin bilang Museum Guide sa tatlong mahahalagang dambana at museo na nasa pangangalaga ng komisyon sa lalawigan ng Bulacan:
โข Pook-Pangkasaysayan ng Simbahan ng Barasoain โ Museo ng Republika ng 1899 (2003โ2013)
โข Casa Real Shrine โ Museum of Philippine Political History (2013โ2024)
โข Dambanang Marcelo H. del Pilar โ Museo ni Marcelo H. del Pilar (2024โ2026)
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, naging bahagi si Jay ng buhay ng libo-libong panauhin at mag-aaral na kaniyang ginabayan sa paglalakbay sa ating kasaysayan. Hindi lamang siya naging tagapaglahad ng mga kuwento ng nakaraan, kundi isa ring tahimik at tapat na tagapag-ingat ng ating pambansang alaala.
๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ ๐๐ฎ ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด-๐น๐ผ๐ผ๐ฏ, ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป.