25/06/2026
IKA-162 ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI GALICANO APACIBLE
Ngayong araw, ginugunita ang ika-162 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Galicano Apacible. Nag-alay ng bulaklak sa kaniyang busto sa Balayan, Batangas, kaninang umaga ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Balayan sa pamamagitan ng Tanggapan Pangturismo ng Balayan, at Kaanak ni Apacible.
Si Galicano Apacible ay isang doktor. Sa Espanya, sumama siya sa mga Pilipinong nagbunyag ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol. Nagsilbi siyang pangulo ng La Solidaridad na binuo noong ika-13 ng Disyembre 1888. Kinalaunan, nagsilbi naman si Galicano bilang tagapangulo ng Comite Central Filipino na nakabase sa Hong Kong. Dahil dito, ipinadala siya bilang sugo sa ibaโt ibang bansa.
Pagkatapos ng digmaang Pilipino-Amerikano, pumasok siya sa pulitika. Nahalal bilang gobernador ng Batangas noong 1908-1909. Sa sumunod na pitong taon, naging kinatawan siya ng Unang Distrito ng Batangas sa Asembleya ng Pilipinas. Noong ika-15 ng Enero, 1917, itinalaga siya bilang Kalihim ng Agrikultura at Likas na Yaman.
Nagretiro Galicano sa pulitika noong 1921 at namuhay bilang isang sibilyan. Pumanaw siya noong 22 Marso 1949 sa sakit na pneumonia.