19/08/2026
Alam mo ba kung paano ginagamit ang salakab?
Ang salakab ay hugis-cone at silindrikong sisidlang yari sa kawayan. Ginagamit ito ng mga Katagalugan at iba pang pamayanan sa Cordillera bilang tradisyonal na panghuli ng dalag (mudfish) sa mga palayan. Karaniwang itong inilalagay sa mga palayan tuwing umaga at kinukuha pagtapos ng araw.
Ito rin ay isa sa mga naging inspirasyon sa naging disenyo ng gusali ng Museo ng Muntinlupa na sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng lungsod bilang isang payak na pamayanang nangingisda.