08/10/2026
SAMAHAN NIYO KAMI MAMAYA AT PAG-USAPAN NATIN ANG MGA TRAINING PARA SA SEKTOR NG KOOPERATIBA.
Dito lang 'yan sa ๐ฝ๐๐ ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ฌ๐๐๐?, 2:00 n.h.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Cooperative Month ngayong Oktubre, tatalakayin sa episode na ito ang kahalagahan ng patuloy na pagsasanay para sa mga nasa cooperative sector. Susuriin din natin ang ebolusyon ng mga training program upang idiin na ang mga ito ay hindi lamang para makasunod sa mandato ng gobyerno, kundi isang tunay na tulay upang matugunan ang mga pangangailangan ng sektor.
Makakasama natin sa episode sina Ray Elevazo (Deputy Administrator, Cooperative Development Authority) at Hilda San Gabriel (Professor, PUP Department of Cooperatives and Social Development). Makakapanayam naman sila ni Rian Piamonte (Research Assistant, AteneoโIPC).
๐ Tuwing Huwebes, 2:00 n.h.
๐ป 87.9 FM sa paligid ng Ateneo
โถ๏ธ zeno.fm/radio/RadyoKatipunanFM
๐ต https://www.facebook.com/AteneoIPC
๐ต https://www.facebook.com/radyokatipunanfm
๐ด youtube.com/RadyoKatipunanFM