23/07/2026
Nakikiisa ang CvSU Historical and Cultural Museum sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2026, sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), na may temang:
"Hinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon."
๐ Bawat alon ay may kuwento. Bawat Pilipino ay kabahagi.
Mula sa ating mga baybayin hanggang sa iba't ibang panig ng daigdig, ang kasaysayan ng Pilipinas ay salaysay ng isang bansang umunlad sa pamamagitan ng paglalayag, pakikipagkalakalan, ugnayang pandaigdig, at katatagan ng sambayanang Pilipino. Ang ating mga karagatan ay nagsilbing tulay sa pagpapalitan ng kultura, kaalaman, at kabuhayan, gayundin sa paghubog ng pagkakakilanlan ng milyun-milyong Pilipinong nagtatag ng mga pamayanang Pilipino sa ibayong-dagat.
โ Ngayong Buwan ng Kasaysayan 2026, samahan ang NHCP sa paglalayag sa temang "๐๐ถ๐ป๐๐ฏ๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐ป๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐น๐ผ๐ป." Sama-sama nating tuklasin ang mga kuwentong nagbuklod sa ating kapuluan at nag-ugnay sa Pilipinas sa daigdig. ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐โ๐๐ก ๐ก๐ข๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ข๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐๐ ๐ ๐ข๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐! ๐ต๐ญ๐
Bilang katuwang ng NHCP sa pagpapalaganap ng kamalayang pangkasaysayan, muling pinagtitibay ng CvSU Historical and Cultural Museum ang kanyang pangako sa pangangalaga, pag-aaral, at pagtataguyod ng mayamang kasaysayan, pamana, at kulturang Pilipino para sa kasalukuyan at sa mga susunod na salinlahi.