14/09/2026
Muchas gracias Cavite News Network ๐๐
Para Dios y Patria. ๐ต๐ญ
CHABACANO CAVITEรO, ITINAMPOK SA INTERNATIONAL LANGUAGE CONFERENCE SA DENMARK
CAVITE CITY, CAVITE โ Umalingawngaw sa pandaigdigang larangan ng wika ang Chabacano Caviteรฑo matapos itong dalhin at itampok ni Arlene Cortes, independent author, researcher at Chabacano Caviteรฑo advocate ng Cavite City Historical Society, sa ginanap na 24th Annual Conference of the Association of Portuguese and Spanish-Lexified Creoles (ACBLPE) at Summer Conference of the Society for Pidgin and Creole Linguistics (SPCL) sa Aarhus University, Denmark.
Dinaluhan ang mga naturang kumperensya ng mga iskolar, researcher at language advocates mula sa ibaโt ibang bansa na nagsasagawa ng pag-aaral, dokumentasyon at mga hakbang para mapangalagaan ang mga pidgin at creole language sa buong mundo.
Isa sa mga binigyang-pansin sa kumperensya ang paksang โDocumenting a Creole: Aligning Community Goals with Research Goals,โ na tumalakay sa kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mismong komunidad sa pagdodokumento at pagpapanatili ng mga wika.
Sa naturang talakayan, higit na nabigyang-diin ang papel ng mga lokal na tagapagsalita at heritage advocates sa pagtiyak na ang pananaliksik ay nakaayon sa tunay na pangangailangan ng komunidad, partikular sa mga wikang nanganganib na tuluyang mawala.
Kabilang dito ang Chabacano Caviteรฑo, isang Spanish-lexified creole na may malalim na kasaysayan at matibay na kaugnayan sa kultura ng mga taga-Cavite City.
Sa pamamagitan ng international conference, nabigyan ng pagkakataong maipakilala sa mga eksperto at mananaliksik mula sa ibaโt ibang panig ng mundo ang natatanging kuwento, kasaysayan at pamanang nakapaloob sa Chabacano Caviteรฑo.
Hindi rin natatapos sa Denmark ang gawain ni Cortes.
Bahagi ng kanyang patuloy na pagsusulong sa dokumentasyon ng wika ang pakikipagtulungan sa University of Helsinki sa Finland, kasama si contact linguist at Chabacano specialist Dr. Eeva Sippola at doctoral researcher Jillian Melchor.
Matapos ang kanyang paglahok sa kumperensya sa Denmark, nagtungo si Cortes sa Finland upang ipagpatuloy ang kanilang language documentation at research collaboration.
Layunin ng naturang pagtutulungan na higit pang mapalawak ang dokumentasyon ng Chabacano Caviteรฑo habang kinikilala ang mahalagang papel ng mga Caviteรฑo mismo sa pagpapanatili, paggamit at pagpasa ng kanilang sariling wika sa susunod na salinlahi.
Para kay Cortes, ang paglahok sa mga pandaigdigang pagtitipon ay hindi lamang usapin ng akademikong palitan ng kaalaman, kundi pagkakataon ding maiparinig sa mundo ang kuwento ng Cavite at maipakita na ang isang lokal na wika ay bahagi ng mas malawak na pamana ng sangkatauhan.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Dr. Sippola at sa Sustainable Linguistics team sa kanilang suporta at sa pagbibigay-daan sa pagkakataong makilahok sa international learning, research at language documentation.
Sa huli, ang Chabacano Caviteรฑo ay hindi lamang wikang minana mula sa nakaraan kundi isang buhay na bahagi ng pagkakakilanlan ng Cavite City.
Sa bawat salitang naitatala, naituturo at naipapasa, nananatiling buhay ang kasaysayan at kultura ng mga Caviteรฑo.
Patunay na ang isang wika, gaano man kaliit ang pinagmulan, ay may kuwentong kayang marinig ng buong mundo.