Artsíbo

Artsíbo Dito ninyo matutunghayan ang kagandahan ng mga museyo sa Pilipinas.

Ang misyon ng Mind Museum ay simulan at palakasin ang pakikipag-ugnayan sa agham sa pagtataas ng mga aspeto ng indibidwa...
23/01/2023

Ang misyon ng Mind Museum ay simulan at palakasin ang pakikipag-ugnayan sa agham sa pagtataas ng mga aspeto ng indibidwal, komunidad at pambansang buhay upang magbigay ng inspirasyon sa mga solusyon sa mga problema sa totoong mundo.
Ang isa pang kapansin-pansing piraso sa seksyon ng Earty Gallery ay ang itong Fire Volcano. Sa halip na mga guhit lamang, makakakita ka ng animated na epekto na nagpapakita kung ano ang eksaktong nangyayari sa loob ng bulkan kapag ito ay sumabog at kung paano ang lava ay dumadaloy nang dahan-dahan sa paligid ng bulkan.

Photo courtesy: 📌Wondering Wanderer Travel Blog.
https://www.wonderingwanderer.com/the-mind-museum-bgc-taguig-city-blog/

GBR MuseumAng GBR Museum ay nagsisilbing alaala sa ilang mahahalagang okasyon sa kasaysayan ng Pilipinas at pandaigdig. ...
13/01/2023

GBR Museum
Ang GBR Museum ay nagsisilbing alaala sa ilang mahahalagang okasyon sa kasaysayan ng Pilipinas at pandaigdig. Ito ay matatagpuan mismo sa Gateway Business Park ng Brgy. Javalera, Gen. Trias, Cavite. Ang museo ay nagpapakita ng mayayamang kultura at masining na pamana ng Pilipinas. Bilang karagdagan sa daan-daang modelo ng mga eroplano na ibinigay ng tagapagtatag na si G. Geronimo Berenguer De Los Reyes Jr. (GBR), ang koleksyon ay may kasamang higit sa 3,000 mga lumang larawan.
📷: Flickr
http://gbrmuseum.com/

Ang Museo Orlina ay isang pribadong gallery na nagtatampok ng lahat ng mga gawa ni Ramon Orlina na matatagpuan sa Tagayt...
11/01/2023

Ang Museo Orlina ay isang pribadong gallery na nagtatampok ng lahat ng mga gawa ni Ramon Orlina na matatagpuan sa Tagaytay City. Ito ay nagtatampok din ng artist mula sa buong Pilipinas. Ang Museo Orlina ay may apat na antas na ipinangalan sa kanyang mga anak; Naesa gallery, Ningning gallery, Anna gallery, Michael gallery. Ang gawaing sining sa ibaba ay tunay na gawa ng isang mahusay na artist at makikita ito sa ningning gallery sa loob ng Museo Orlina. Kung iyong titignan ay tila tinitingnan ka ni Birheng Maria kahit saang panig ka pupunta.

Photo courtesy: Lonelytravelogue
https://lonelytravelogue.com/lonely-travelogue-tagaytay-museo-orlina-a-glass-museum/

TARA NA! at kilalanin natin ang ang Museo ng Sapatos (Shoe Museum)Ang Museo ng Sapatos ay binuo noong 1998 at binuksan a...
10/01/2023

TARA NA! at kilalanin natin ang ang Museo ng Sapatos (Shoe Museum)

Ang Museo ng Sapatos ay binuo noong 1998 at binuksan ang museo noong 2001. Itinayo ang museo na may layuning maging isang mahalagang lugar para sa pag-aalaga ng mga makasaysayang halaga ng industriya ng sapatos sa bansa. Ang lungsod ng Marikina ay nakilala sa paglikha ng magagara at matitibay na sapatos na ang yari. Kinilala din ito bilang isang Shoe Capital of the Philippines. Kung Kaya't dinarayo ang museo upang mas makilala, makita ang mga iba-ibang uri at koleksyon ng mga sapatos na makikita sa Shoe Museum sa Marikina.

📍Matatagpuan ang Museo ng Sapatos sa Lungsod ng Marikina City.

📍Image source: https://sassybiatchmom.wordpress.com/2019/03/03/museo-ng-sapatos-sa-lungsod-ng-marikina/

Malagu!"Malagu" salitang kapampangan na ang ibig sabihin ay "Maganda".Ang nasa litrato ay ang tinatawag na Caracoa. Ang ...
09/01/2023

Malagu!
"Malagu" salitang kapampangan na ang ibig sabihin ay "Maganda".

Ang nasa litrato ay ang tinatawag na Caracoa. Ang caracoa ay isang malaking barko na naglalakbay sa baybayin ng Pampanga, Visayas, at Mindanao. Mayroon itong matataas na prows at sterns, na nagbibigay ng isang makikilalang hugis ng gasuklay. Para sa paggamit sa digmaan, pagsalakay sa dagat, at pangangalakal, mayroon itong nakataas na kubyerta at mga sakyan na outrigger na nagpapahintulot sa transportasyon ng malaking bilang ng mga sundalo at alipin. Kahit na ito ay isang malaking barko, mabilis itong nag-navigate sa mga dagat. Ang istilo ng modelong ito, na batay sa Maranao okir, ito ay naglalarawan ng isang ipinintang naga (sea snake) at tumutukoy sa isang halimbawa sa Mindanao.

Nakakamangha ang ganitong koleksyon, hindi ba?

📍Ayala Museum Collection

MULING TANAWIN!Ang UST Museum ay isa sa mga matatandang museyo rito sa Pilipinas na matatagpuan sa Sampaloc, Manila. Nag...
04/01/2023

MULING TANAWIN!

Ang UST Museum ay isa sa mga matatandang museyo rito sa Pilipinas na matatagpuan sa Sampaloc, Manila. Nagsimula ito bilang Gabinete de Fisica o isang observation room ng mga botanical, mineral, at biological collections noong ika-17 siglo.

Ang isa sa mga kilalang obra ni Fernando Amorsolo, ang "Portrait of Miss Virginia Grace" na kasama sa mga pinakitang gawa ni Amorsolo sa UST Museum Art Gallery noong 1940.

Kaygandang obra, hindi ba?

Image source: Philippine Museums

Sa muling pagbabalik tanaw natin sa mga lokal na museyo, narito ang museyo na matutunghayan natin sa taong ito...Ayala M...
02/01/2023

Sa muling pagbabalik tanaw natin sa mga lokal na museyo, narito ang museyo na matutunghayan natin sa taong ito...

Ayala Museum

Ang Museo na ito ay isa sa mga kinikilala dahil ito ay naglalaman ng mga iba't-ibang uri ng mga koleksyon na hango pa sa mga sinaunang panahon. Ito ay makikita lamang sa Greenbelt Park, Makati, Metro Manila na kung saan matatagpuan rito ang isang kagamitan na kung tawagin ay "Barong" Ito ay isang matalim na espada, at hugis-dahon ang itsura. Isang sandata na ginagamit ng mga Pilipinong Muslim o grupo ng mga etnolinggwistiko tulad ng Tausug, Sama-Bajau, o Yakan.

Ito ay isang seremonyal na piraso at hindi ginamit para sa labanan.

📍Photo: Ayala Museum
https://www.ayalamuseum.org/collection/10423403

Sa pagtatapos ng taon, binabati namin ang lahat ng isang Manigong Bagong Taon! Nawa ay patuloy nating pakahalagahan ang ...
31/12/2022

Sa pagtatapos ng taon, binabati namin ang lahat ng isang Manigong Bagong Taon! Nawa ay patuloy nating pakahalagahan ang mga pangyayari at bagay na nagbigay ng makabuluhang kasaysayan sa mga nagdaang panahon, partikular na sa ating bansa.

Sa lahat ng taong sumuporta sa aming FB page ay lubos kaming nagpapasalamat! Sana ay patuloy ninyo kaming suportahan at subaybayan hanggang matapos ang aming paglalakbay tungo sa pagpapakita ng kagandahan ng mga lokal na museyo rito sa ating bansa.

Isang maligayang taon para sa ating lahat!

HALINA'T!Hayaan mong dalhin kita sa Museum of Three Cultures na matatagpuan sa campus ng Capitol University, Cagayan de ...
28/12/2022

HALINA'T!

Hayaan mong dalhin kita sa Museum of Three Cultures na matatagpuan sa campus ng Capitol University, Cagayan de Oro City, Philippines. Ito ay isang eksibit ng mga artifact ng may tatlong magkakaibang kultura, The Migrant Workers , The Indigenous People, at The Maranao Muslims. Kaya ito pinangalanang Museum of Three Cultures. Ang Stone Mill Grinder ay ginagamit sa paggiling ng mga buto o palay. Ang mga buto ay ibinubuhos sa tuktok na butas at ang ulo ng bato ay pina-iikot. Ang mga giniling na buto ay lalabas sa mga gilid.

Photo courtesy: Steemit

TARA!Ang Pintô Art Museum ay isang pribadong museyo para sa mga eksibisyon at pag-aaral ng contemporary art dito sa atin...
27/12/2022

TARA!

Ang Pintô Art Museum ay isang pribadong museyo para sa mga eksibisyon at pag-aaral ng contemporary art dito sa ating bansa. Alam ninyo ba na ang Pintô ay isang vernacular na salitang pintuan na sumisimbolo sa institusyon na panghawakan ang isip sa cultural awareness at aesthetic consciousness?

Maraming matatagpuan dito gaya ng maraming koleksiyon ng mga modernong paintings, installations, at mga sculptures.

Mababaybay natin ang Pintô Art Museum sa Sierra Madre St., Antipolo, Rizal. Tara na't bisitahin; nang malaman natin ang kagandahan at kahalagahan ng contemporary at native art!

Image source: Sotheby's

TARA NA!Sa San Agustin Church! Hindi lang ito isang simbahan, ito ay isang museo rin! Ang Simbahan ng San Agustin sa May...
26/12/2022

TARA NA!

Sa San Agustin Church! Hindi lang ito isang simbahan, ito ay isang museo rin! Ang Simbahan ng San Agustin sa Maynila ay matatagpuan sa loob ng makasaysayang Walled City ng Intramuros, ang Roman Catholic Baroque-style na simbahan na ito ay isang UNESCO World Heritage site.

At sa San Agustin Church and Museum matatagpuan ang Sala De Profundis. Dito nagtitipon ang pamayanan ng prayleng Augustinian upang ipagdasal ang kanilang mga kapatid at mga benefactor gayundin ang mga kaluluwa ng mga patay. Kabilang sa mga ito ang abo ng mga kilalang Pilipino tulad nina Juan Luna at Teodoro Agoncillo. Ito rin ang antechamber sa refectorio kung saan nagtipon ang komunidad para sa kanilang mga pagkain at meryenda.

Mga sanggunian sa larawan:
•Bluedreamer
https://bluedreamer27.com/exploring-museo-de-san-agustin-a-virtual-tour/

•Hotels
https://ph.hotels.com/go/philippines/san-agustin-church

PAKATANDAAN!Ang San Agustin Museum ay isang nakamamanghang museo na isang kayamanan ng mga relihiyosong sining na nagpap...
23/12/2022

PAKATANDAAN!

Ang San Agustin Museum ay isang nakamamanghang museo na isang kayamanan ng mga relihiyosong sining na nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng Katolisismo sa Pilipinas. Kilala bilang isang UNESCO World Heritage Site, ipinagmamalaki nito ang nakamamanghang Baroque architecture. Ang gallery at ang mga pasilyo ay pinalamutian ng mga pintura ng mga santo. Ang mga silid na inookupahan ng mga prayle bilang kanilang tulugan, ngayon ay nagpapakita ng mga eskultura at iba pang mga piraso ng sining at mga antique na nakolekta mula sa buong mundo, katulad na lamang ng isang Isang 3,400 kilo na kampana, na ibinaba noong 1927 mula sa kampanaryo ng San Agustin Church na napinsala ng lindol noong 1863.

📍Photo Courtesy by Flickr and Shankar S.
https://www.flickr.com/photos/shankaronline/9361857627/

Address

Cavite
4100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Artsíbo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category