Museo ng Baliwag

Museo ng Baliwag The Museo ng Baliwag is an official page of the Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office of the City Government of Baliwag. History Museum

📜 PAGSASANAY SA PALEOGRAPIYAPalihan sa Pagbasa ng Dokumentong PangkasaysayanBilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kas...
25/08/2026

📜 PAGSASANAY SA PALEOGRAPIYA
Palihan sa Pagbasa ng Dokumentong Pangkasaysayan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2026, inaanyayahan ang mga interesado sa kasaysayan, kultura, at pamanang dokumentaryo na dumalo sa Pagsasanay sa Paleograpiya: Palihan sa Pagbasa ng Dokumentong Pangkasaysayan.

Layunin ng pagsasanay na higit na mapalalim ang kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pag-unawa sa mga dokumentong pangkasaysayan, na mahalagang bahagi ng pangangalaga at pagpapahalaga sa ating pambansang pamana.

🗓️ Agosto 27, 2026 | 9:00 N.U.–5:00 N.H.
📍 Silid 322–323, Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag
Poblacion, Baliwag City, Bulacan

🎙️ Tagapagsanay:
Prof. Rene S. Salvania
Professor of Spanish Grammar and Spanish Paleography
Polytechnic University of the Philippines – Manila

Para sa mga nais lumahok, mangyaring magrehistro sa pamamagitan ng QR code o sa registration link na ito:
https://forms.gle/kDEGSnJwD4JJ696W8

Sama-sama nating linangin ang kaalaman sa pagbasa ng mga dokumentong nagsisilbing mahalagang batis sa pag-unawa at pagsusulat ng ating kasaysayan. 📖






Baliwag at Efemérides Filipinas: The Era of Bulacan in Nation Building 🎨🇵🇭Naging bahagi ang Baliwag City Arts, Culture, ...
25/08/2026

Baliwag at Efemérides Filipinas: The Era of Bulacan in Nation Building 🎨🇵🇭

Naging bahagi ang Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office sa makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2026 sa pamamagitan ng Efemérides Filipinas: The Era of Bulacan in Nation Building Art Workshop and Exhibit, na isinagawa ng NHCP Mariano Ponce Birth Site – Museo ni Mariano Ponce noong Agosto 22, 2026.

Tampok sa programa ang isang makabuluhang lektura at pagsasanay sa pagpipinta na pinangunahan ng Bulakenyong alagad ng sining na si Ernesto “Aris” Bagtas Jr., kung saan binigyang-diin ang sining bilang paraan ng pagkukuwento, pagpapahayag, at pagpapanatili ng ating kultura at kasaysayan. Ilan sa mga dumalo ay ang mga alagad ng sining biswal sa Bulacan na kalahok sa Ico and Lety Cruz Art Program ng Museo ng Baliwag. Layunin nito na mapalalim ang pagpapahalaga sa mga kuwentong humubog sa Bulacan at sa mahalagang ambag nito sa pagbuo ng ating bansa bilang paghahanda sa kanilang gagawing obra para sa kompetisyon.

Lubos na nagpapasalamat ang Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office sa NHCP Mariano Ponce Birth Site – Museo ni Mariano Ponce, Central Luzon Tour Guides Association, at Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office of Bulacan sa pagtutulungan upang maisakatuparan ang isang makabuluhang pagdiriwang ng kasaysayan, sining, at kultura.

Maraming salamat din kay Sir Aris Bagtas sa pagbabahagi ng kaniyang talento at kaalaman sa pamamagitan ng sining. 🎨

Hinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon.
Patuloy nating tuklasin, pahalagahan, at ipagmalaki ang ating kasaysayan.

📸 Photo Credits: NHCP Mariano Ponce Birth Site – Museo ni Mariano Ponce




IN PHOTOSNgayong araw, August 24, 2026, ay pinaunlakan ng aming tanggapan ang panayam ng isang mag-aaral mula sa Baliuag...
24/08/2026

IN PHOTOS
Ngayong araw, August 24, 2026, ay pinaunlakan ng aming tanggapan ang panayam ng isang mag-aaral mula sa Baliuag Univerisity para a kanyang pananaliksik sa mga Pamanang Kaluto ng Baliwag.

Ang City Arts, Culture, and Tourism Office ay patuloy na sumusuporta sa mga adhikaing pangkasaysayan gayundin sa pagpapayabong ng mga saliksik na pang-akademiko.

BALIWAG SHORT SHORTS: A ONE-MINUTE CINEMATIC FILM COMPETITIONCalling all Baliwagenyo film enthusiasts and creators! Capt...
24/08/2026

BALIWAG SHORT SHORTS: A ONE-MINUTE CINEMATIC FILM COMPETITION

Calling all Baliwagenyo film enthusiasts and creators! Capture the soul of our city in a 1-minute cinematic film. Show us Baliwag through your eyes—from local traditions to everyday stories.

Prizes:
First Place: ₱15,000
Second Place: ₱10,000
Third Place: ₱5,000
People's Choice Award: ₱5,000
Deadline of Submission: September 9, 2026

Visit the link to register:
https://forms.gle/5pFdik3AK3CBpoG56

Read the complete mechanics and guidelines through the link: https://canva.link/vgouqyhlgasg08c

Start filming your winning story today!

For more information, contact Museo ng Baliwag:
📧 [email protected]
📧[email protected]
📞 (044) 766 1402 | 0905 741 5884

14/08/2026

ATM BANDA 14 ANNIVERSARY CONCERT!
MULTIVERSE OF MELODY: The Reunion
Ginaganap ngayon sa Baliwag Star Arena

BALIWAG SHORT SHORTS: A ONE-MINUTE CINEMATIC FILM COMPETITIONCalling all Baliwagenyo film enthusiasts! Show your creativ...
13/08/2026

BALIWAG SHORT SHORTS: A ONE-MINUTE CINEMATIC FILM COMPETITION

Calling all Baliwagenyo film enthusiasts! Show your creativity in a minute and join Baliwag Short Shorts.

Baliwag is more than a destination. It is a community rich in history, culture, entrepreneurship, faith, creativity, and everyday stories waiting to be discovered.

Baliwag Short Shorts invites filmmakers, students, creators, photographers, vloggers, artists, and residents to create cinematic one-minute films that capture the soul of the city through their own eyes. Rather than prescribing what Baliwag should look like, the competition encourages participants to discover their own stories — from quiet streets and local traditions to inspiring individuals, hidden places, sounds, emotions, and everyday moments. Together, these films will form a growing cinematic archive that celebrates Baliwag, promotes its unique identity, and nurtures the next generation of storytellers.

Prizes:
First Place: ₱15,000
Second Place: ₱10,000
Third Place: ₱5,000
People's Choice Award: ₱5,000

Deadline of Submission: August 28, 2026

Read the complete mechanics and guidelines through the link: https://canva.link/vgouqyhlgasg08c

Start filming your winning story today!
For more information, contact Museo ng Baliwag:
📧 [email protected]
📧[email protected]
📞 (044) 766 1402 | 0905 741 5884

FREE ADMISSION!BANDA 14 ANNIVERSARY CONCERT!Take note, everyone! Ang ating inaabangang MULTIVERSE OF MELODY: The Reunion...
12/08/2026

FREE ADMISSION!
BANDA 14 ANNIVERSARY CONCERT!

Take note, everyone! Ang ating inaabangang MULTIVERSE OF MELODY: The Reunion ay gaganapin na sa BALIWAG STAR ARENA

Sulit na sulit ang Friday night mo dahil dadalhin ka namin sa isang Epic Cinematic Experience na hindi mo malilimutan. Kaya 'wag ka nang magdalawang-isip, isama na ang buong Pamilya!

MULTIVERSE OF MELODY: An Epic Cinematic Experience| THE REUNION
🗓 August 14, Friday | 6:30 PM
📍 Baliwag Star Arena

Kita-kits po tayo doon!

NAGLALAKBAY NA MUSEO | SUMBALILONG BUNTAL: PAMANA NG SINING AT KABUHAYAN NG BALIWAGPatuloy na inilalapit sa ating mga ka...
11/08/2026

NAGLALAKBAY NA MUSEO | SUMBALILONG BUNTAL: PAMANA NG SINING AT KABUHAYAN NG BALIWAG

Patuloy na inilalapit sa ating mga kabataan ang mayamang kultura at tradisyon ng Baliwag sa pamamagitan ng Naglalakbay na Museo!

Noong Agosto 4, 2026, isinagawa ang Naglalakbay na Museo | Sumbalilong Buntal: Pamana ng Sining at Kabuhayan ng Baliwag sa Jacinto Ponce Elementary School, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga g**o at mag-aaral na higit na makilala at mapahalagahan ang tradisyon ng paglalala ng sumbalilong buntal.

Pinangunahan ang programa ni G. John Joshua P. Cudia, Punong G**o ng Jacinto Ponce Elementary School, na nagbigay ng pambungad na pananalita at tugon mula sa paaralan. Ibinahagi naman ni Bb. Jesusa Garcia Villanueva, Kurador ng Museo ng Baliwag at Nanunuparang Puno ng City Arts, Culture, and Tourism Office, ang paliwanag tungkol sa eksibit.

Lubos din ang pasasalamat kay Bb. Gladies Ann Mencero sa kanyang pakikipag-ugnayan at koordinasyon na naging mahalagang bahagi sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.

Sa pamamagitan ng Naglalakbay na Museo, patuloy nating naipapasa sa susunod na henerasyon ang sining, kasanayan, kasaysayan, at kabuhayang bahagi ng pagkakakilanlang Baliwagenyo.




09/08/2026

Address

Dr. Gonzalez Street
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Museo ng Baliwag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category