Baliwag City Library

Call Directions Website Contact the museum

Baliwag City Library This is the official page of the Baliwag City Library (Panglungsod na Aklatan ng Baliwag).

01/10/2026
28/09/2026

WORK AND CLASS SUSPENSION FOR KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026

Bilang pakikiisa sa β€œKainang Pamilya Mahalaga Day”, ang pasok sa mga tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag at klase sa mga pampublikong paaralan ay hanggang ika-1:00 ng hapon lamang, bukas, araw ng Lunes, September 28, 2026.

Samantala, ang mga pribadong sektor ay hinihikayat na sumunod alinsunod sa proklamasyon ng pangulo.

Magbabalik ang regular na operasyon sa Martes, September 29.

Maraming salamat po!


21/09/2026

PAGGUNITA SA IKA-126 NA TAONG KAMATAYAN NI DR. JOAQUIN GONZALEZ

Ngayong Setyembre 21, ginugunita ng Lungsod ng Baliwag ang ika-126 na taon ng pagpanaw ni Dr. Joaquin Gonzalez, isang Baliwagenyong manggagamot, edukador, at lingkod-bayan na nag-iwan ng mahalagang ambag sa kasaysayan ng ating lungsod at bansa.

Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Hulyo 22, 1853, si Dr. Gonzalez ay nagmula sa kilalang pamilyang Gonzalez. Nag-aral siya sa Espanya sa loob ng pitong taon at nakamit ang kanyang licencia en medicina mula sa Universidad de Valladolid at Doctor of Medicine degree mula sa Universidad Central de Madrid. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, nagsimula siyang magsagawa ng medisina sa Maynila bago inilipat ang kanyang klinika sa Baliwag, kung saan kilala rin siya sa pagbibigay ng libreng gamutan sa mga nangangailangang kababayan.

Bukod sa medisina, naging mahalaga ang kanyang papel sa edukasyon. Noong 1898, itinalaga ni Heneral Emilio Aguinaldo, sa rekomendasyon ni Felipe Buencamino Sr., si Dr. Gonzalez bilang unang rector ng Universidad CientΓ­fico-Literaria de Filipinas, na itinatag sa Malolos bilang pinakamataas na institusyon ng pag-aaral sa bansa noong panahong iyon. Nag-alok ito ng mga kurso sa medisina, surgery, pharmacy, at law. Dahil sa Digmaang Filipino-Amerikano, naapektuhan ang operasyon ng unibersidad at kalaunan ay nailipat ang pamahalaan at unibersidad sa San Fernando, Pampanga at Tarlac.

Naging bahagi rin si Dr. Gonzalez ng Malolos Congress, kabilang sa komiteng tumulong sa pagbalangkas ng Malolos Constitution. Matapos nito, nagsilbi rin siya bilang justice of the peace sa Apalit noong 1896 at kalaunan ay itinalagang chairman ng isang three-man civil service board sa ilalim ng pamahalaang militar ng Estados Unidos.

Pumanaw si Dr. Joaquin Gonzalez sa Maynila noong Setyembre 21, 1900, dahil sa appendicitis.

Sa kanyang buhay bilang manggagamot, edukador, at lingkod-bayan, iniwan ni Dr. Gonzalez ang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Baliwag at ng bansa. Sa kanyang paggunita, patuloy nating binibigyang-halaga ang kanyang mga ambag at ang pamanang iniwan niya sa mga susunod na salinlahi.

πŸ“šβš‘ DAPAT ALAM MOWait… alam mo ba β€˜to? πŸ‘€Baka hindi mo pa alamβ€”pero dapat alam mo!
17/09/2026

πŸ“šβš‘ DAPAT ALAM MO
Wait… alam mo ba β€˜to? πŸ‘€
Baka hindi mo pa alamβ€”pero dapat alam mo!

π—”π—‘π—š π—žπ—”π—¨π—‘π—”-π—¨π—‘π—”π—›π—”π—‘π—š 𝗣π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—œπ—”π—Ÿ π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—”π—¦

Alam mo bang minsan nang naglaban-laban sina Manuel Quezon, Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay sa pagka-pangulo ng Pilipinas?

Noong September 16-17, 1935, ginanap ang kauna-unahang pambansang pampanguluhang eleksyon sa Pilipinas sa bisa ng Tydings-McDuffie Law o ang Philippine Independence Act of 1934. Sa naturang batas naitatag ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Bukod sa pampanguluhang halalan, idinaos din ang halalan para sa National Assembly, ang noo’y lehislatura ng bansa.

Tumakbo sa 1935 presidential election si outgoing Senate President Manuel L. Quezon sa pagka-pangulo, katambal si dating Senate President pro tempore Sergio OsmeΓ±a sa ilalim ng Partido Nacionalista. Nakalaban niya ang nagbabalik na si dating Pangulong Emilio Aguinaldo, katambal si Raymundo Melliza (dating gobernador ng Iloilo), at ang tagapagtaguyod ng Philippine Independent Church (Aglipay Church) na si Supreme Bishop Gregorio Aglipay, katambal si Norberto Nobong (konsehal ng Maynila at tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas). Lumaban din sa pagka-pangulo ang Cebuanong mekaniko na si Pascual Racuyal. Mula 1935, taon-taong kumakandidato si Racuyal bilang Pangulo ng bansa. Noong 1986, itinuring si Racuyal bilang nuisance candidate ng COMELEC. Ilan sa mga naging plataporma noong ni Racuyal ang β€œstandard 30 day, 13 month calendar” at ang paggamit ng β€œsurprise blitzkrieg helicopter raids” upang kalabanin ang mga masasamang-loob.

Naging mainit ang labanan at kampanya ng mga kandidato. Patuloy na ginamit ni Sen. Quezon ang pagkakapaslang nina Andres Bonifacio at Antonio Luna laban kay Aguinaldo. May tagpong ipinarada pa ni Quezon ang diumano’y kalansay ni Bonifacio. Sa huli, landslide ang pagkapanalo ng tambalang Quezon-OsmeΓ±a. Nakuha nila halos lahat ng boto sa buong bansa. Nanalo si Quezon sa buong bansa kung saan nakuha niya ang 67.99% ng boto, liban sa baluarte ni Aguinaldo na Cavite at Aglipay sa Ilocos Norte. Pumapangalawa naman si Aguinaldo na nakakuha ng 17.54% ng boto, at pumapangatlo si Aglipay na nakakuha ng 14.47% ng boto. Sa kabilang banda, nanguna si OsmeΓ±a sa lahat ng lalawigan ng bansa, liban sa Cavite.

Bagama’t solido ang tambalang Quezon-OsmeΓ±a sa ilalim ng Partido Nacionalista, nag-aagawan naman sa posisyon ang Nacionalista Democratico (Antis) ni Quezon at Partido Democrata Pro-Independencia (Pros) ni OsmeΓ±a para sa Asamblea. Sa huli, nakuha ng partido ni Quezon ang mayorya (72%) ng puwesto sa Asemblea habang 21% ang nakuha ng mga Pros. Noong November 15, 1935, pormal na pinasinayaan ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Nanumpa sina Quezon at OsmeΓ±a bilang unang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Commonwealth.

Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (2015). Philippine Electoral Almanac Revised and Expanded Edition

Samonte, Severino. (September 17, 2021). Sept. memories: First national polls under the 1935 Constitution. Retrieved from https://www.pna.gov.ph/articles/1153814

Umali, Justin. (June 4, 2019). A Look into the Most Consequential Election in our History: the 1935 Presidential Elections. Retrieved from https://www.esquiremag.ph/.../1935-presidential-elections..

15/09/2026

Isang makabuluhan at makasaysayang pagdiriwang ang hatid ng Singkaban Festival 2026 sa paggunita ng ika-128 Anibersaryo ng Pagbubukas ng Kongreso ng Malolosβ€”isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng Bulacan at ng buong bansa na patuloy na ipinagmamalaki ng bawat Bulakenyo.

Sa pag-alalang ito, muling binibigyang-halaga ang makasaysayang ambag ng lalawigan sa paghubog ng ating pamahalaan at pambansang pagkakakilanlan.

Sa patuloy na pagdiriwang ng Singkaban Festival, ang mayamang kultura at pamana ng Bulacan ay nananatiling gabay sa kasalukuyan at inspirasyon para sa mga susunod na salinlahi.

14/09/2026

Isang taos pusong pagbati mula sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ng Baliwag City Arts, Culture, and Tourism office, para sa ating mga kinatawan na sina G. Jon Andrei F. Castillo (Hari ng Baliwag) at Bb. Carmela T. Gonzales (Reyna ng Baliwag) sa kanilang tagumpay sa ginanap na Hari at Reyna ng Singkaban.

Ipinagdiriwang natin ang kanilang sipag, husay, at mga kahanga-hangang parangal sa entablado ng Lalawigan n g Bulacan:

G. JON ANDREI F. CASTILLO
- 2nd Runner-Up
- 4th Place sa Best in Cultural Costume
- Best Tourism Video Awardee

BB. CARMELA T. GONZALES
- Best Tourism Video Awardee

Maraming salamat sa pagpapakita ng galing, kultura, at husay ng mga BaliuagueΓ±o sa buong lalawigan ng Bulacan. Lubos kaming ipinagmamalaki kayo!

08/09/2026

Today, the faithful around the world celebrate the Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary, commemorating the birth of Mary, the Mother of Jesus.

Her birth marks a joyful moment in salvation history and reminds the faithful of God’s enduring plan and grace. May we continue to look to Mary as a model of faith, humility, and loving obedience to God.

πŸ“Έ The Virgin of the Immaculate Conception by Peter Paul Rubens (c. 1628-29) from Wikipedia

πŸ“šβš‘ DAPAT ALAM MOWait… alam mo ba β€˜to? πŸ‘€Baka hindi mo pa alamβ€”pero dapat alam mo! πŸ˜‰
03/09/2026

πŸ“šβš‘ DAPAT ALAM MO

Wait… alam mo ba β€˜to? πŸ‘€
Baka hindi mo pa alamβ€”pero dapat alam mo! πŸ˜‰

π—œπ—žπ—”-𝟭𝟭𝟱 π—”π—‘π—œπ—•π—˜π—₯𝗦𝗔π—₯𝗬𝗒 π—‘π—š π— π—’π—‘π—¨π— π—˜π—‘π—§π—’ π—‘π—š π— π—šπ—” π—•π—”π—¬π—”π—‘π—œ π—‘π—š 𝟭𝟴𝟡𝟲

Noong Setyembre 3, 1911, pinasinayaan ang Monumento ng mga Bayani ng 1896 sa Balintawak na noo'y bahagi ng Caloocan. Naging sentro ito ng taunang paggunita sa simula ng Himagsikan tuwing Agosto.

Likha ni Ramon Martinez y Lazaro, tampok sa bantayog na ito ang isang lalaking sumisigaw at may hawak na watawat sa kaliwa at bolo naman sa kanan. Bagaman akala ng marami na kumakatawan ito kay Andres Bonifacio, kinakatawan nito ang diwa ng Himagsikang nagsimula noong Agosto 1896 at ang lahat ng mga lumaban sa panahong iyon upang makamit ang ating kalayaan.

Inilagay ang bantayog sa una nitong posisyon noong Agosto 27, 1911. Nanatili sa Balintawak ang bantayog hanggang 1968 noong baklasin ito ng Bureau of Public Highways (Department of Public Works and Highways ngayon) upang bigyang daan ang pagtatayo ng Cloverleaf Complex Free Way (Balintawak Cloverleaf ngayon). Sa pagnanais na iligtas ang makasaysayang bantayog sa pagkawasak, bumuo ng isang lupon ang mga mag-aaral ng UP upang isalba ang bantayog at ipinanukala nilang ilipat iyon sa campus ng pamantasan. Isinagawa ang pisikal na paglipat noong Nobyembre 14, 1968.

Pormal na isinalin ni Tagapangulo Carmen Guerrero-Nakpil ng Pambansang Kalupunang Pangkasaysayan (National Historical Commission, NHC) ang pangangalaga ng bantayog kay Pangulong Carlos P. Romulo ng UP noong bisperas ng Araw ni Bonifacio nang taong iyon. Mula noon, dahil sa sentral na lokasyon ito ay naging iconic na bahagi na ito ng pamantasan at naging sentro ng paggunita nito sa Araw ni Bonfacio.

Noong 1971 naman ay naglagay ng isang bantayog ni Bonifacio na hawig ng orihinal na lilok ni Martinez sa Balintawak Cloverleaf. Gawa ito ni Anastacio Caedo sa escayola; sa kasamaang palad, nasira ito agad. Isang pangmatagalang kapalit na gawa sa tanso at gawa ni Eugenio R, Bunuan ang pinasinayaan noong Agosto 23, 1974. Dito kadalasang ginagawa ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang paggunita ng Araw ni Bonifacio sa pakikipagtulungan sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mga Sanggunian:

"An interview with Col. Vicente Malapitan." Hulyo 8, 1983. Mula sa mga papeles ng NHCP Serafin Quiason Resource Center.

"Ang Bagong Kinalalagyan ng Bantayog ng Sigaw ng Pugad Lawin sa Diliman, Lungsod ng Quezon." 1968. National Registry of Historical Sites & Structures in the Philippines. https://philhistoricsites.nhcp.gov.ph/registry_database/ang-bagong-kinalalagyan-ng-bantayog-ng-sigaw-ng-pugad-lawin-sa-diliman-lungsod-ng-quezon/.

Annual Report of the National Historical Commission July 1, 1968-June 30, 1969. 1969. Maynila: National Historical Commission.

De Villa, Kathleen. 2017. β€œA hero’s monument.” Philippine Daily Inquirer, Nobyembre 25, 2017. Nakita noong Nobyembre 29, 2023 sa https://business.inquirer.net/241446/a-heros-monument.

β€œMonumento sa mga Bayani ng 1896.” 2011. National Registry of Historical Sites & Structures in the Philippines. https://nhcphistoricsites.blogspot.com/2012/04/monumento-sa-mga-bayani-ng-1896.html

Philippine Collegian, Nobyembre 29, 1968. Kopya sa kagandahang-loob ni Diego Magallona.

Quezon, Manuel L. III, Gatuslao, Justin Silos, and Arboleda, Jean. (2016). "Imprinting Andres Bonifacio: The Iconization from Portrait to Peso." Sa Quezon, Manuel L. III, patnugot. Heroism, Heritage, and Nationhood: Essays and Features from the Official Gazette. Maynila: Presidential Communications Development and Strategic Planning Office.

Samonte, Severino. 2021. β€œRelocation of β€˜First Cry’ monument from Balintawak to UP recalled.” Philippine News Agency, Agosto 23, 2021. Nakita noong Nobyembre 29, 2023 sa https://www.pna.gov.ph/articles/1151275.
. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
β€ŽπŸ– I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
β€ŽπŸ‘‰ Bisitahin ang www.projectsaysaymain.my.canva.site
β€ŽπŸ€™ Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]
β€Ž

Looking for something good to read? πŸ“šEspaΓ±a of Sancho Panza and Don Quixote: An Introduction to the History of Spain by ...
02/09/2026

Looking for something good to read? πŸ“š

EspaΓ±a of Sancho Panza and Don Quixote: An Introduction to the History of Spain by Jaime B. Veneracion focuses on the history and development of Spain, particularly the cultural, social, and political forces that shaped the Spanish nation and its identity. Using the contrasting figures of Don Quixote and Sancho Panza as a framework, the book examines Spain’s traditions, historical experiences, and the different influences that contributed to the character of Spanish society.

This book is available for reading at the Baliwag City Library!

Drop by and enjoy a quiet time of reading and learning with us. We are open Monday to Thursday, 7:00 AM to 6:00 PM.

πŸ“ Visit us at our temporary office:
Baliwag Business Center Compound, beside the City Agriculture Office

Come visit, read, learn, and discover something new! πŸ’‘πŸ“š

Address

2F Lumang Munisipyo Drive Gonzalez Street, Poblacion
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63447661402

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baliwag City Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to Baliwag City Library:

Shortcuts

Share