17/06/2026
| KONSENSYA NG BAYAN, MAKIISA SA LABAN NG MGA MAGSASAKA SA NUEVA VIZCAYA!
TUTULAN ANG KONTRA-MAMAMAYANG ADYENDA NG PASISTANG ESTADO!
Nitong ika-13 ng Hunyo, ang ating kapwa Iskolar ng Bayan at USC Councilor-elect na si Angel Lopez ay nakaranas ng panghaharas at sapilitang interogasyon ng militar habang nagsasagawa ng community immersion sa Nueva Vizcaya. Kasama ang ilang boluntaryo, kinuhanan siya ng mga retrato at pinrofile ng mga awtoridad. Sa naturang interogasyon ay nakaranas siya ng panre-red-tag at pinaratangan siya ng mga gawa-gawang akusasyon. Higit pa rito ay walang pakundangang ginamit ang kanyang pamilya upang siya ay sapilitang โsumukoโ.
Isa lamang ito sa maraming kaso ng paniniktik at panunupil na nararanasan ng mga kabataang pinipiling isabuhay ang husay at dangal sa diwa ng pag-oorganisa, pag-aaral, at paglubog sa hanay ng masang inaapi. Malinaw itong manipestasyon ng pasistang adyenda ng estado na naglalayong hadlangan ang lumalawak na pakikiisa ng mga mag-aaral sa pakikibaka ng mamamayan.
Sa kasalukuyan, kinahaharap ng Nueva Vizcaya ang lumalalang paglabag sa karapatan ng mga mamamayan at mga banta sa kalikasan dulot ng malawakang operasyon ng pagmimina. Mula noong Pebrero ngayong taon, marahas na binuwag ng mga kapulisan ang mga barikadang itinayo ng mga residente ng Dupax del Norte bilang pagtutol sa pagpasok at pagmimina ng Woggle Corporation, isang British-owned mining company, sa kanilang mga kabundukan. Kasabay nito, sunod-sunod ding naiulat ang mga insidente ng panghaharas sa mga mamamayan, kabilang ang pag-aresto sa anim na senior citizens na matagal nang naninirahan at nagsasaka sa kanilang mga lupain. Lumilitaw din ang panibagong banta ng paglawak ng operasyon ng iba pang mapaminsalang mining companies sa mga karatig-bayan, na nagdudulot ng pangamba sa patuloy na pagkasira ng kalikasan at paglabag sa karapatan ng mga lokal na komunidad.
Bilang mga Konsensya ng Bayan at mag-aaral ng agham panlipunan at pilosopiya, batid natin ang kahalagahan ng paglulunsad ng mga fieldwork at community immersion upang pag-aralan at ilantad ang tunay na kalagayan ng lipunan. Pinili ni Angel na lumahok sa community immersion sa Nueva Vizcaya para gamitin ang kanyang husay upang mapaglingkuran at maprotektahan ang masang inaagawan ng lupa at kabuhayan. Sa halip na tugunan ang mga lehitimong panawagan ng komunidad, pinili ng estado na sagutin ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng militarisasyon, paniniktik, at sistematikong panunupil. Ang ganitong tugon ay hindi lamang banta sa mga residente ng Nueva Vizcaya kundi maging sa mga estudyante, mananaliksik, at mga organisador na nakikiisa sa kanilang pakikibaka.
Mariing kinukondena ng CSSP Student Council at ng mga organisasyon sa Kolehiyo ang walang habas na panghaharas, paniniktik, at pananakot na isinagawa ng militar laban kay Angel, sa mga mamamayan ng Nueva Vizcaya, at sa lahat ng mga lider-estudyanteng nakikiisa sa mga pakikibaka nila. Kaisa tayo ng mga komunidad ng Nueva Vizcaya sa kanilang makatarungang laban para sa lupa, kabuhayan, karapatan, at kalikasan, at mariin nating tinututulan ang anumang pagtatangkang patahimikin ang kanilang paglaban.
Dalawang buwan mula nang hindi makatarungang pinaslang ang mga kapwa natin Iskolar ng Bayan sa Negros 19, patuloy pa rin ang pamamasista ng estado sa mga kabataan at mamamayang lumalaban sa mapanupil na sistema. Higit lalong kinakailangan ang tatag at tapang ng mga Iskolar ng Bayan na lumabas mula sa apat na sulok ng silid-aralan para makipamuhay sa masang-api.
HANDS OFF ANGEL LOPEZ!
HANDS OFF FIELDWORKERS!
DEFEND NUEVA VIZCAYA!
MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!
Signatories:
UP PUGAD Sayk
BUKLOD CSSP
UP LIKAS
UP Political Society
UP Psychedelics Core Group
SparkLINGG
UP AnthroSoc
UP Buklod-Isip
Apeiron
AngKas
Kabataang Pilosopo Tasyo
SALiGAN sa CSSP
UP Geographical Society
League of Filipino Students-CSSP
Polis Core Group
UP SaLin
UP Praxis

UP GeogSoc
League of Filipino Students-CSSP
Polis Core Group
UP SaLin
UP Praxis
Junior Philippine Geographical Society