03/06/2025
Happy Pride month 🌈
𝐁𝐔𝐂𝐊𝐄𝐓 𝐇𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐁𝐀𝐂𝐀 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑, '𝐅𝐀𝐒𝐇𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐍𝐍𝐎𝐕𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍' 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐓𝐀𝐍𝐃𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍𝐎𝐍 𝐀𝐑𝐓𝐈𝐒𝐓
Nagkaroon muli ng bagong produkto ang abaca sa lalawigan ng Catanduanes, nang isapubliko ng isang Catandunganon artist ang patok na pamormang 'bucket hat' na gawa sa abaca paper.
Ang nasa likod ng inobasyong ito ay si Francesca Bernadine Tabian, na naglalayon din na matulungan ang mga abaca farmer at maiangat pa ang industriya ng abaca sa lalawigan.
Ayon kay Tabian, bukod sa pagiging pamorma ng naturang produkto, itinuturing din itong sustainable at eco-friendly product, dahil bukod sa napapanatili nito ang paggamit ng organikong produkto at nakatutulong sa hanapbuhay ng mga abacalero sa lalawigan ay nababawasan din aniya nito ang mga abaca fiber waste.
Dagdag pa ng Catandunganon artist, hindi lamang aniya ito proteksyon mula sa init ng araw kundi pati na rin sa ulan, dahil ang abaca paper ay natural na water-repellent.
Ito ay mabibili sa pamamagitan ng kanilang opisyal na page na 'Abacá Finest' at sa darating na panahon ay mabibili na rin ito sa mga kilalang online shopping platforms sa bansa.
Para kay Francesca, ang abaca bucket hat ay hindi lamang simpleng sumbrero kundi testamento rin ng maayos na ugnayan ng fashion, sustainability at pagtulong sa komunidad.
📷 Francesca Bernadine Tabian