11/09/2026
Isang umaga, natagpuan sa pampang ang isang sanggol na mahimbing na natutulog.
Nakabalot siya sa telang kulay bughaw, at ang kaniyang mukha ay may kakaibang kapangyarihan. Mukha na may mapayapang anyo na tila punong-puno ng pagmamahal. Bawat nakakakita sa kaniya ay nakararamdam ng matinding pag-ibig at kapayapaan.
Sinasabing sa kaniya nagmula ang lahat ng kulay bughaw sa mundo: ang lalim ng karagatan, ang lawak ng langit, at ang payapang daloy ng tubig ay bunga ng dalisay na pagmamahal na taglay ni BUGHAW.
Ano ang pakiramdam mo kapag tinitingnan mo ang kaniyang mukha?
Artist: Edward Sato
Title: "BUGHAW"
Medium: Acrylic on Canvas
Size: 16" X 16"
Year: 2026
.art