Museo de Santa Ana - Taguig City

Museo de Santa Ana - Taguig City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Museo de Santa Ana - Taguig City, Museum, 1 Liwayway Street , Sta. Ana, Taguig.

SANTA ANA DEVOTIONAL PICTURE FRAMENow available at Museo de Santa Ana!
08/02/2026

SANTA ANA DEVOTIONAL PICTURE FRAME
Now available at Museo de Santa Ana!

Ang Rito ng Pagbabasbas at Pagbubukas ng Santa Ana Exhibit para sa Pistang Bayan 2026 na may temang: “Santa Ana: Larawan...
07/02/2026

Ang Rito ng Pagbabasbas at Pagbubukas ng Santa Ana Exhibit para sa Pistang Bayan 2026 na may temang: “Santa Ana: Larawan ng Kabanalan, Huwaran ng Kapayapaan.” Ito ay pinangunahan ng ating Rektor at Kura Paroko na si Rev. Fr. Orlando Cantillon.

PABATID PARA SA SANTA ANA EXHIBIT 2026Pebrero 6-15, 2026Bilang paghahanda sa nalalapit na Pistang Bayan 2026, inaanyayah...
02/02/2026

PABATID PARA SA SANTA ANA EXHIBIT 2026
Pebrero 6-15, 2026

Bilang paghahanda sa nalalapit na Pistang Bayan 2026, inaanyayahan po ang lahat na bisitahin ang ating “Santa Ana Exhibit 2026” na may temang: “Santa Ana: Larawan ng Kabanalan, Huwaran ng Kapayapaan.” Ito ay magsisimula sa ika-6 hanggang ika-15 ng Pebrero 2026 sa Museo de Santa Ana.

Ang Pormal na Pagbubukas at Rito ng Pagbabasbas ng mga Imahen ni Mahal na Poong Santa ay gaganapin sa Biyernes, ika-6 ng Pebrero 2026, sa ganap na ika-7:00 ng gabi o pagkatapos ng Unang Misa Nobenario.

Narito ang schedule ng Exhibit:

Lunes - Sabado: ika-3:00 ng hapon hanggang ika-8:00 ng gabi
Linggo: ika-8:00 hanggang ika-11:00 ng umaga, at ika-3:00 ng hapon hanggang ika-8:00 ng gabi.

Maraming salamat po!

Viva Santa Ana!
21/09/2025

Viva Santa Ana!

Maraming salamat po sa lahat ng mga deboto na sumama sa Salida at Dalaw Patrona ng Mahal na Poong Santa Ana sa Pulilan, Bulacan! Hindi naging hadlang ang pag-ulan at haba ng ruta ng prusisyon sa ating pagmamahal at pamimintuho kay Po Ana!

Viva Po Ana!

05/08/2025
SANTA ANA EXHIBIT DAY 2Ang pagbisita ng mga Peregrino (Pilgrims) galing sa Parokya ng Maria Reyna ng mga Apostoles sa Br...
18/07/2025

SANTA ANA EXHIBIT DAY 2

Ang pagbisita ng mga Peregrino (Pilgrims) galing sa Parokya ng Maria Reyna ng mga Apostoles sa Brgy. Pinagsama, Taguig City sa ating Museo de Santa Ana upang makita ang ating mga tampok sa Santa Ana Exhibit 2025.

17/07/2025

UNANG ARAW NG NOBENA SA KARANGALAN NI SANTA ANANG BANAK

"Sa iyo pong kamusmusan
Iniraos mo pagkuwan
Ang pamimintuhong tunay
Sa poong walang kapantay
Puso moy nanaimtim
Sa matamang panalangin

Sa sakuna at hilahil na tantong kalagim-lagim...
Anang Lubhang mahabagin, kami'y iyong ampunin"

~Dalit kay Sta. Ana

Ngayon po ay ang simula ng Novena para sa Karangalan ni Santa Anang Banak!

UNANG ARAW

Pinupuri naming Santa Ana, idulog mo sa iyong Kabanal-banalang Apo, ang aming Panginoong Hesukristo, at sa iyong Mapagmahal na anak na si Birheng Maria, ang aming pagmamakaawa para sa kapatawaran ng aming mga kasalanan. Tulungan mo kami na buong pusong makapagsisi sa aming mga pagkakasala, makapagkumpisal sa pari, at makapagbagong-buhay. Ikaw ay nagpakita ng kabanalan mula sa iyong kabataan hanggang sa ikaw ay magkapamilya. At kung hindi namin lubos na matularan ang iyong kabanalan, pahintulutan mo kaming makamtan ang liwanag ng iyong magandang halimbawa ng tunay na pagmamahal. Isama mo sa iyong dasal ang biyaya na sa araw na ito ay ninanais naming matanggap para sa ikagagling ng aming kaluluwa at ikaluluwalhati ng Diyos Ama kaisa ng Panginoong Hesus at ng Espiritu Santo. Amen.

(Dasalin ang “Ama Namin”, “Aba Ginoong Maria”, at “Luwalhati”)

PABATID PARA SA SANTA ANA EXHIBIT 2025Hulyo 17-26, 2025Inaanyayahan po ang lahat na bisitahin ang ating Santa Ana Exhibi...
17/07/2025

PABATID PARA SA SANTA ANA EXHIBIT 2025
Hulyo 17-26, 2025

Inaanyayahan po ang lahat na bisitahin ang ating Santa Ana Exhibit 2025 para sa nalalapit na Kapistahan nI Santa Anang Banak na may temang “Ilog at Pagoda: Daluyan ng Biyaya at Pag-asa Noon at Ngayon.” Ito ay gaganapin sa ating Museo de Santa Ana mula Hulyo 17-26, 2025.

Narito ang talatakdaan ng mga Gawain at Oras ng Pagbisita sa ating Santa Ana Exhibit:

Hulyo 17, 2025:

7:00 PM - Ang Rito ng Pagbabasbas at Pagbubukas ng Santa Ana Exhibit 2025

Mga Oras ng Pagbisita sa ating Santa Ana Exhibit
Hulyo 18-26, 2025:

Lunes - Sabado: 3:00 PM - 8:00 PM
Linggo: 8:00 AM - 11:00 AM at 3:00 PM - 8:00 PM

Hulyo 26, 2025: Araw ng Kapistahan ni Santa Anang Banak

8:00 AM - 11:00 AM at 3:00 PM - 8:00 PM

** Ang Museo de Santa Ana ay nananawagan po sa lahat ng ating mga ka-parokya na may mga lumang litrato ng Pagoda ni Santa Anang Banak at nais ipahiram ito sa ating Santa Ana Exhibit, mangyari lamang po na magsend ng private message dito sa ating page o kaya naman sumadya sa ating Museo de Santa Ana tuwing alas 3:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi simula bukas hanggang sa Hulyo 17, 2025.

Maraming salamat po!
Viva Santa Anang Banak!

03/10/2024

Ave Maria: A Grand Marian Procession 2024

Carroza #2 : ST. ANNE

Santa Ana of Taguig (Replica) Saint Anne, from Hebrew Hannah, means "grace." Saint Anne, descended from the lineage of David, is the mother of the Blessed Virgin Mary and the grandmother of Jesus Christ. It is said that Saint Anne was childless for a long time until the Angel Gabriel appeared to them to announce that they would conceive a child who would be dedicated to God.

In the town of Taguig, Saint Anne has been recognized as the patroness for over 430 years. Her shrine was declared a Minor Basilica on November 21 of last year. The Feast of Saint Anne in Taguig is celebrated every July 26 and is commemorated with a Pagoda on the river. The image we have with us tonight is the Callejera Image—the Miraculous Image of St. Anne of Taguig enshrined in the Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of St. Anne in Taguig City.

O Glorious St. Anne, you are compassionate toward those in need who invoke your heavenly intercession. Burdened with life's difficulties, I place myself before you, and ask that you assist me with the petitions and intentions I now recommend to your special protection. St. Anne, pray for us!

Discover the beauty of devotion through these images each representing a unique aspect of her grace and influence.

Ang Pagbisita ng Callejerang Imahen ni Mahal na Poong Santa Ana at Poong San Joaquin sa Minor Basilica of the National S...
05/09/2024

Ang Pagbisita ng Callejerang Imahen ni Mahal na Poong Santa Ana at Poong San Joaquin sa Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel, New Manila, Quezon City. Kasama sina Mahal na Poong Santa Ana at Poong San Joaquin sa kanilang First Saturday Devotion sa Setyembre 7, 2024 sa ganap na 5:00 ng umaga na lilibot sa komunidad ng Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel.

Viva Po Ana!
Viva Po Joaquin!
Viva La Virgen!

TIGNAN | Ang ating Unang Martes ng Buwang Pamimintuho kay Mahal na Poong Santa Ana ngayong buwan ng Setyembre. Nagkaroon...
03/09/2024

TIGNAN | Ang ating Unang Martes ng Buwang Pamimintuho kay Mahal na Poong Santa Ana ngayong buwan ng Setyembre. Nagkaroon ng Public Veneration ng Relikya ni Mahal na Poong Santa Ana pagkatapos ng Banal na Misa at sinundan ng mga Panalangin sa pangunguna ng Bukluran ng San Sebastian at Cultural Heritage Youth sa loob ng ating Simbahan.

VIVA PO ANA!

Address

1 Liwayway Street , Sta. Ana
Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Museo de Santa Ana - Taguig City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category