Project Sariaya Legacy Landmarks Preservation

Call Directions Website

Project Sariaya Legacy Landmarks Preservation Project History Cultural Heritage Legacy Landmarks Preservation

20/08/2026
18/08/2026

LIH: OOO2-0818-Series 2026.

Luksang Parangal ng Knights of Columbus kay Dating Mayor Juanito Manigbas

18/08/2026
News Article No.  LIH-0001-0818 Series 2026. by Danny de Luna, Local Historian, President-Sariaya Historical Society. Pa...
18/08/2026

News Article No. LIH-0001-0818 Series 2026.
by Danny de Luna, Local Historian, President-Sariaya Historical Society.

Pag ala ala: Luksang Parangal kay Dating Mayor Juanito B. Manigbas:

"Ang Kanyang mga Pamana sa
Ating Simbahan at Bayan"
ni: Danny De Luna
(Dating Head ng Committee on Church History and Heritage ng dating PCCHD (Parish Council
on Church Heritage and Devotion)

Nitong mga nakaraang araw, mabigat ang ating kalooban habang nagpapaalam tayo sa isang taong naging malaking bahagi ng ating bayan na si Dating Mayor Juanito B. Manigbas.

Bilang dating Head ng Committee on Church History and Heritage ng dating PCCHD, hindi ko
maiwasang balikan ang mga ala alang naiambag niya sa Bayan ng Sariaya.

Si Mayor Juanito ay hindi lang basta naging punong bayan; para sa ating lahat, siya ay isang tunay na Ama lider manggawang. Kultural sa mga pag aabokasya sa pag-ngangalaga ng ating pamana kultura pananampalataya at kasaysayan.

Ramdam na randam nating lahat ito ngayong ika 18 ng Agosto nang dumaan ang kanyang labi sa harap ng munisipyong idinisenyo sa Art Deco ni Juan Arellano noong ika 4 ng Hulyo 1931 sa ilalim ng pamumuno ni Presidente (Mayor) Hilarion De Luna Valderas.

Para sa akin, parang nagpapaalam lang siya sa gusaling pinagserbisyuhan
niya nang mahigit sampung taon bilang Mayor.

Bilang dating Grand Knight of Knights of Columbus (1986), siya ang naglatag ng pundasyon ng mga ibat ibang konseho tulad ng Council 6300 (SFA Parish), Council 18281 (Nina Maria Parish), Council 17421 (Guadalupe Parish), Council 17872 ( Immaculate Conceprion Parish), District L-63, Sto Cristo Assembly 3938.

Dahil sa
pamumuno niya, lumago ang ating mga councils ng Knights of Columbus sa District L-63 at nabuo ang Assembly Sto.
Cristo de Burgos.

Hanggang sa huling yugto ng buhay niya, masasalamin pa rin ang lnaral niyang katuruan tungkol sa 4 core values ng Knights of Columbus tulad pagkakawanggawa (Charity) , Pagkaka isa (Unity) ,Pagkakapatiran (Fraternity) , at Pagkamakabayan (Patriotism) .

Napatunayan ang pagsasabuhay niya ng aral sa mga gawain banal na ang tunay na paglilingkod ay hindi lang puro salita kundi ang pagsasabuhay ng mga ito.

Sa mga taong naka panayam ko sa lamayan ng mga nagdaan araw mula ika 14 hanggang ika 18 ngayon Agosto, dama dama ko kung paano nahubog at naging mabuting halimbawa si Mayor Juanito
Para sa mga bagong usbong na lider ng lokal na pamahalan natin ngayon.

Narinig natin ang mga kwento at personal na luksang parangal mula sa pangunguna ni Mayor Marivic T. Gayeta, Vice Mayor Arlene Genove, kasamang ang mga kasapi ng Sanggunian Bayan tulad nina Konsehal Teodorico De la Pena, Kon Romulo P. Gayeta, Kon Renz Marcuap, Kon Ryan Decena at SK President Aicon T. Lopez. Nagbigay din ng luksang parangal si Congressewoman Inday Tina Talavera ng Alona party list na isa rin sa mga kabataan lider na nahubog sa panahon ng pamumuno ni Mayor Juanito.

Nangunang magbigay ng sertipiko ng pagkilala si
Konsehal at SABAK President Romulo Gayeta mula sa federasyon ng SABAK, na sinundan ng
paggawad ng plake ng parangal mula sa ating lokal na pamahalaan.

Iba't iba ang mga karanasan naibahagi-may mga batang lider pa nung araw na tinulungan niya. magdasal na gumaling sa karamdaman, may
mga batang sakristan sa simbahan na siyang nilang naging gabay, at may nakatrabaho naman diya sa pag buo ng mga ordinansa,

Ngunit iisa ang puntong binigyan diin
nila: na "si Mayor Juanito ay nagsilbing bilang huwaran, mapagkalinga matuwid na Lider at Ama para sa kanila.

Sa pagbibigay ng plake ngayong araw ng luksang parangal nakasama ring naitala at nasaksihan ng maraming Sariayahin sa video reels social media posts ang mga mangilan ngilan larawang kuha ng Sariaya PIO. at Ginoo Danny De Luna (kasalukuyang pangulo ng Sariaya Historical Society, Inc.

Sa palatuntunan ng luksang parangal ay nasaksihan din ng marami ang pagbigay-pugay ng mga anak na si Ginang Mary Joyce M. Manigbas (kasalukuyang Pangulo ng
Colegio de Sto. Cristo de Burgos), Ginoo Joel L. Manigbas, at apo na si Dr. Carl M. Manigbas.

Sa kanilang paglalahad, ibinahagi nila ang pagkilala kay Mayor Juanito bilang isang napakabuting ama at lolo, at isang "practicing Catholic" na
nagsabuhay ng aral ng Panginoon, na kinumpirma naman sa homiliyang ibinigay ni Msgr. Melecio Verastigue. Ang namuno sa Banal na Misa ay ang Obispo Emeritus na si Lubhang Kagalang Galang Emilio Marquez

Ayon sa mga anak ni Mayor Juanito Manigbas, a ang palagian tagubilin niya ay ang pagsunod sa Sampung utos ng Diyos, ang palagiang pag gawa ng mabuti sa kapwa sa anumang oras, nang walang pinipili o pagtatangi-mayaman man o mahirap.

Itinuro rin niya ang kahalagahan ng pagtataguyod sa edukasyon ng kabataan at ang patuloy na pagpapalaganap ng debosyon at pananampalataya sa Senyor Santo Cristo de Burgos bilang
pinakadakilang legasiya na iniwan niya sa pamilya at sa buong Sambayan ng Bayan ng Sariaya.

Bilang huli isang malaking pasasalamat sa mahusay na
pagpapadaloy ng programa na pinangunahan ni Doc Ruben V. De Gracia, Jr., CHP, Executive Assistant Il at Chief
Tourism Oficer-Designate, ito'y maayos, marangal solemne, at makabuluhan para sa ating yumaong alkalde.

Sa homiliya binigyang-din ni Msgr. Melecio Verastigue ang pagpursige kay Dating Mayor Juanito
noong Setyembre 14, 2007 na maitatag ang Sto. Cristo Diocesan Shrine at noong taong 2008 ang paaralan naman ng Colegio de Santo Cristo de Burgos ang naitatag. Ang motto ng paaralan sa wikang latin ay "Educatio advocata Domino". Sa wikang Pilipino, Edukasyon sa gabay ng Panginoon. Malinaw ito na edukasyon at pananampalataya sa Diyos ang pangunahing gabay ng mga mag aaral.

Ang Edukasyon at pananampalataya sa Sto Cristo de Burgos ang mga pamana legasiya ng yumaong alkalde.

Ayon kay Msgr. Verastigue, ang kanyang walang-maliw na dedikasyon sa simbaharn at pagmamahal sa Bayan ng Sariaya ay patunay ng isang tapat na lingkod ng Diyos na may pagmamahal sa Bayan. Ito ang umukit ng kasaysayan sa puso ng bawat
Sariayahin.

Mayor Juanito, maraming salamat sa lahat lahat. Hindi hindi namin malilimutan ang mga binhing itinanim
mo sa buong Sariaya.

Kami na po ang umaako na magpapatuloy ng nasimulan mong gawain

Paalam, Mayor Juanito. Paalam Lolo, Tito, Brother J***y.

Hanggang sa muli.

Photo credits:

Sariaya Public Information Office.
Danny de Luna, Sariaya Historical Society, Inc.

Project History Cultural Heritage Landmarks Preservation
13/08/2026

Project History Cultural Heritage Landmarks Preservation

Address

Sa-Irayanon Ilayahin
Sariaya
4322

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project Sariaya Legacy Landmarks Preservation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share