08/10/2025
๐ป๐จ๐ด๐ท๐ถ๐ฒ ๐ต๐ฎ๐จ๐๐ถ๐ต ๐บ๐จ ๐บ๐จ๐ต ๐ท๐จ๐ฉ๐ณ๐ถ ๐ซ๐ฌ ๐ณ๐ถ๐บ ๐ด๐ถ๐ต๐ป๐ฌ๐บ ๐จ๐ต๐ฎ ๐ป๐จ๐ถ ๐บ๐จ ๐ณ๐ฐ๐ฒ๐ถ๐ซ ๐ต๐ฎ ๐ด๐ฎ๐จ ๐จ๐ฒ๐ณ๐จ๐ป ๐ต๐จ ๐บ๐จ ๐ฒ๐จ๐บ๐จ๐ณ๐ผ๐ฒ๐ผ๐๐จ๐ต ๐จ๐ ๐ต๐จ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ฉ๐จ๐ป๐ฐ๐บ ๐ถ ๐บ๐จ๐ต๐ฎ๐ฎ๐ผ๐ต๐ฐ๐จ๐ต ๐ผ๐ท๐จ๐ต๐ฎ ๐จ๐ต๐ฎ ๐ณ๐ถ๐ฒ๐จ๐ณ ๐ต๐จ ๐ฒ๐จ๐บ๐จ๐๐บ๐จ๐๐จ๐ต ๐ต๐ฎ ๐บ๐จ๐ต ๐ท๐จ๐ฉ๐ณ๐ถ ๐จ๐ ๐ท๐จ๐ป๐ผ๐ณ๐ถ๐ ๐ต๐จ ๐ฐ๐ฉ๐จ๐ฏ๐จ๐ฎ๐ฐ: ๐ซ๐น. ๐ฑ๐ผ๐จ๐ต ๐ฉ๐ฌ๐ณ๐ผ๐ณ๐ฐ๐จ ๐ฏ๐ฌ๐น๐ต๐จ๐ต๐ซ๐ฌ๐
โIf the most outstanding civic leader in the community for all time will be selected: Juaning Hernandez, will get the honor uncontested." โ Dr. Archimedes Brion (December 18, 1962 issue of Coco-Rotaria)
Isinilang sa mag-asawang Benito at Juana Hernandez noong ika-31 ng Hulyo 1913. Si Dr. Juan B. Hernandez o Juaning ay nagtapos ng kaniyang masterado sa Ingles bilang meritisimus, (1947), at doktorado sa Agham Panlipunan bilang benemeritus, (1950), sa Pamantasan ng Santo Tomas. Naging dekano at educational consultant ng Laguna College pamula 1949-1973. Para sa kaniyang mga naging mag-aaral, kilalang mabait at may puso si Juaning o Dean Hernandez, maayos ang pustura at kapita-pitagan kung manamit.
Habang nagpapakadaluhasa sa Pamantasan ng Santo Tomas ay naging propesor niya si Ginoong Francisco B. Icasiano, ayon kay Juaning, si Icasiano ang naghimok sa kaniya na pasukin ang Malikhaing Pagsulat. Hindi nagkamali si Icasiano, kaya naman noong 1936 ang maikling kuwento ni Juaning na When My Father Was a Boy (Philippine Magazine) at Blind Mother (Comomwealth Advocate) ay kapwa itinanghal na "The Best Short Stories of the Year" ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Jose Garcia Villa. Kalaauna'y naging manunulat si Juaning sa ilang mga kilalang peryodiko sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Noong ikalawang digmaang pandaigdig ay bumalik sa sinilangang bayan si Juaning at nagsilbi bilang Propaganda Officer ng isang guerilla outfit noong panahon ng mga Hapon. Hunyo 1943, isang umaga, dinakip si Juaning ng mga sundalong hapon sa pag-aakalang isa siyang guerilla. Isinailalim sa isang pagpapaamin ngunit ginamit ang talino at talas ng pananalita; at kinahapunan ng araw na iyon ay pinalaya rin siya. Nang bumalik si Hen. Douglas MacArthur, ay naging censorship examiner at chief classification analyst siya ng United States Army.
Bukod sa pagiging g**o ay tagapanguna at tapagtatag rin si Juaning ng mga samahang pang-sibiko, kabilang sa mga ito ang: Philippine Association of Classification Analysts (1947), San Pablo Jaycees (1948), San Pablo YMCA (1950), San Pablo Red Cross Chapter (1950), Rotary Club of San Pablo (1950), Rotary Club of San Pablo City East 1976, and San Pablo Historical Society, 1983โna kalauna'y naging San Pablo Cultural Society (2005). Kaanib din siya ng Philippine Historical Association, American Historical Assciation, at International Crossroad Sunday Breakfast Club of Washington D.C.
Naging tagapangulo si Juaning ng tatlong semi-government agenciesโSan Pablo City Planning Board (1954-1956), San Pablo Board of Tourism and City Beautification (1957-1964), at Southern Luzon Labor-Management Council (1956).
Tumanggap ng maraming parangal bilang pagkilala sa kaniyang kadakilaan at paglilingkod, ito'y ang mga sumusunod: First Local Jaycee award: Most Outstanding San Pablo Jayce, First Rotary Club award, Most Outstanding Service to the Community (1951),Red Cross award: Outstanding Leadership Award for Meritorious Service (1952), First official City Government award: Most Outstanding Civic Leader of San Pablo City (1959), First Rotary Club District 380 premier award: Most Ouststanding Club President of Rotary Club District 380 (1965), San Pablo City Schools award as one of the 12th Worthy Son of San Pablo City, Past and Present (1961), Holy Year 1975 award: Most Outstanding Son of San Pablo City for Civic Leadership (1975) Highest Philppine YMCA layman's award: Gold Triangle Service, Philippine National Red Cross Award: Doรฑa Aurora Quezon medallion, First Rotary Club of San Pablo East Award: Rotarian of the Year (1976).
Kasabay ng pagiging lider sibiko at pagiging g**o ay nakapaglimbag siya ng mga aklat, karamihan sa mga ito'y testimonya, karanasan, at mga tunay na kuwentoโang Not the Sword (1960), Sunshine in Geneva (1963), The American GI's Philippines Story (1981), Death of A Dream at Beyond the Pacific (1983).
Para sa mga nakararami, ang isa pinakamalaking naipamana ni Juaning ay ang magawang buhayin ang pag-aaral ng lokal na kasaysayan ng Lungsod ng San Pablo at mailimbag ang tatlong sipi ng aklat na tinawag niyang The Hometown Story, ang San Pablo de los Montes (1980), Between Two Wars (1981) at For Love of Freedom.
Ang mga aklat na ito ay ang bukod-tanging nailimbag na tumatalakay sa kasaysayan ng lungsod, patungkol sa tatlong makukulay, masaya, at malungkot na panahon ng Lungsod ng San Pablo.
Sa gulang na 81 ay bumalik siya sa Maylikha noong ika-25 ng Mayo 1994, ika-12 ng tanghaliโdahilan sa Chronic Obstructive Pulmonary Disease.
Sanggunian:
Hernandez, Juan B. (1980), San Pablo de los Montes: Prehistoric Times to the End of Spanish Rule, National Printing Company Inc., Quezon City
โข Between Two WarsโAmerican Regime (1981), National Printing Company, Quezon City
โข For Love of FreedomโJapanese Occupation (1982), National Printing Company, Quezon City
โข Beyond the Pacific: The Natives of San Pablo City Philippines Now Residing in Northern California in Pictures and Story (1983), National Printing Company, Quezon City
Miranda, Nicolai M. (2021), Talambuhay ni Juaning, Lungsod ng San Pablo