NHCP - Museo ni Manuel Quezon

Call Directions Contact the museum

NHCP - Museo ni Manuel Quezon History Museum

31/08/2026

𝗔𝗗𝗛𝗜𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗪𝗘𝗕𝗜𝗡𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 31 AUG 2026

Bilang pakikiisa ng ADHIKA ng Pilipinas, Inc. para sa Buwan ng Kasaysayan sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Local Historical Committees Network (LHCN) ngayong taon, malugod na inaanyayahan ang lahat na dumalo sa taunang webinar na may temang “Sa Larangan ng Diplomasya: Mga Karanasan at Kasaysayan ng Serbisyong Pandiplomatiko ng Pilipinas” na gaganapin via Microsoft Teams sa ika-31 ng Agosto 2026, 2:00 n.h. - 4:00 n.h.

Kabilang sa ating mga tagapagsalita sina Ret. Amb. Lilybeth R. Deapera (Embassy of the Philippines, United Mexican States) at Consul Von Ryan Pangwi (Philippine Consulate General in Houston). Magsisilbi namang reaktor ang dating Pangulo ng ADHIKA na si Prop. Kristoffer R. Esquejo, Ph.D mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.




📣📣𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬📣📣In observance of Memorandum Circular No. 132, s. 2026, please be advised that NHCP Shrines and Landmarks in ...
28/08/2026

📣📣𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬📣📣

In observance of Memorandum Circular No. 132, s. 2026, please be advised that NHCP Shrines and Landmarks in Metro Manila will suspend operations today, August 28, 2026, from 1:00 PM onwards.

Normal operations and site visits will resume on Saturday, August 29, 2026.

We encourage the public to take necessary safety precautions. Thank you for your continued cooperation.

🇵🇭🇵🇭𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟒𝟖 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐬𝐚 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐡𝐫𝐢𝐧𝐞 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧...
19/08/2026

🇵🇭🇵🇭𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟒𝟖 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐬𝐚 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐡𝐫𝐢𝐧𝐞 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝟏𝟗 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭🇵🇭

Umulan man o umaraw, pinangunahan ni Punong-Lungsod Joy Belmonte ng Lungsod-Quezon at ilang kinatawan ng distrito, kasama ang Punong Tagapagpaganap ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas Carminda Arevalo ang Paggunita ng Ika-148 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Pangulong Manuel Quezon at Pagdaraos ng Quezon City Day na ginanap ngayong araw 19 Agosto 2026 sa Quezon Memorial Shrine - Museo ni Manuel Quezon.

Nagbigay ng makabuluhan at napapanahong mensahe si Atty. Jose Sonny Matula, Pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) at Chairperson ng NAGKAISA Labor Coalition bilang Panauhing Pandangal ng programa. Nagbigay din ng mensahe si Bb. Yael Buencamino, kaanak ni Pangulong Quezon.

Kilala si Pangulong Quezon bilang tagapagsulong ng katarungang panlipunan at ng kanyang hangarin na magkaroon ng isang lugar kung saan ang mga uring manggagawa ay maaaring mamuhay, mag-aral at magtrabaho. Ang Lungsod ng Quezon ay nalikha sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 502 noong 1939.




Ngayong Agosto 19, 2026, bilang paggunita sa ika-148 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Pangulong Manuel Luis Quezon, sama-s...
18/08/2026

Ngayong Agosto 19, 2026, bilang paggunita sa ika-148 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Pangulong Manuel Luis Quezon, sama-sama nating alalahanin ang mga naging ambag ni Quezon hindi lang sa pakikipag-ugnayan at pagpapatupad ng mga polisiyang panglipunan, kung hindi ang kanyang pagpapahalaga ng pagmamalasakitan, pagkakapantay-pantay at hustisya lalo na sa mga manggagawa at mas nangangailangan.

Ang pagdiriwang ng buhay ni Quezon ay nagpapaalaala na lahat ay pantay-pantay at may pananagutan lalo na sa panahon na mas kailangan ng pagkakaisa para sa ikabubuti at ikauunlad ng bayan.




𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐨𝐮𝐫 𝐏𝐢𝐥𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐨𝐧𝐰𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝑫𝑰𝑫 𝒀𝑶𝑼 𝑲𝑵𝑶𝑾?Upon his election as the first President of the Commonwealth in 1935, Q...
18/08/2026

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐨𝐮𝐫 𝐏𝐢𝐥𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐨𝐧𝐰𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡

𝑫𝑰𝑫 𝒀𝑶𝑼 𝑲𝑵𝑶𝑾?

Upon his election as the first President of the Commonwealth in 1935, Quezon's administration swiftly enacted four core legislative pillars:

Commonwealth Act No. 1 (The National Defense Act) to establish the country's military framework

Commonwealth Act No. 2, creating the National Economic Council to guide economic policy

Commonwealth Act No. 3, which reorganized the judiciary and established the Court of Appeals to advance social justice; and

Commonwealth Act No. 4, which provided crucial funds for the Manila Railroad Company to bolster transportation infrastructure.

🖼️ Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴀʟ ꜱʜʀɪɴᴇ - ᴍᴜꜱᴇᴏ ɴɪ ᴍᴀɴᴜᴇʟ ʟ. Qᴜᴇᴢᴏɴ
🗓️ ᴛʜᴇ Qᴍꜱ - ᴍᴍQ ɪꜱ ᴏᴘᴇɴ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴘᴜʙʟɪᴄ ꜰᴏʀ ꜰʀᴇᴇ ꜰʀᴏᴍ TUESDAY - SUNDAY , 9 ᴀᴍ - 4 ᴘᴍ
📍 Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴀʟ ᴄɪʀᴄʟᴇ, ᴇʟʟɪᴘᴛɪᴄᴀʟ ʀᴏᴀᴅ, ᴅɪʟɪᴍᴀɴ, Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴄɪᴛʏ



18/08/2026
𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐤𝐚Sa ilalim ng Artikulo XII, Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 na nag-utos sa Pambansang Asemblea n...
17/08/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐤𝐚

Sa ilalim ng Artikulo XII, Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 na nag-utos sa Pambansang Asemblea na magtatag ng wikang pambansa batay sa isang katutubong wika, pinangunahan ni Pangulong Quezon ang inisyatibo sa pamamagitan ng paglagda sa Batas ng Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa. Matapos ang isang taong pagsusuri ay pumili ng Tagalog bilang batayan, at noong Disyembre 30, 1937, pormal itong pinagtibay ni Quezon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 at sabay na ipinahayag sa isang talumpati sa radyo gamit ang mismong wikang Tagalog.

🖼️ Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴀʟ ꜱʜʀɪɴᴇ - ᴍᴜꜱᴇᴏ ɴɪ ᴍᴀɴᴜᴇʟ ʟ. Qᴜᴇᴢᴏɴ
🗓️ ᴛʜᴇ Qᴍꜱ - ᴍᴍQ ɪꜱ ᴏᴘᴇɴ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴘᴜʙʟɪᴄ ꜰᴏʀ ꜰʀᴇᴇ ꜰʀᴏᴍ TUESDAY - SUNDAY , 9 ᴀᴍ - 4 ᴘᴍ
📍 Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴀʟ ᴄɪʀᴄʟᴇ, ᴇʟʟɪᴘᴛɪᴄᴀʟ ʀᴏᴀᴅ, ᴅɪʟɪᴍᴀɴ, Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴄɪᴛʏ



LUNGSOD QUEZON — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-148 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Pangulong Manuel Quezon, B...
08/08/2026

LUNGSOD QUEZON — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-148 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Pangulong Manuel Quezon, Buwan ng Kasaysayan, at Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas, magkatuwang na maglulunsad ang Presidential Car Museum at Quezon Memorial Shrine – Museo ni Manuel Quezon ng isang natatanging lektura sa darating na Agosto 19, 2026.

Pinamagatang “Justice and Friendship for All: Quezon’s Diplomatic Strategies and Its Relevance to Contemporary Philippine Foreign Policy,” ang lekturang ito ay naglalayong suriin ang patuloy na kahalagahan ng diplomatikong pamana ni Pangulong Quezon sa modernong ugnayang panlabas ng bansa. Ito ay pangungunahan ng kilalang historyador at dalubhasa na si Dr. Ricardo Trota Jose bilang punong tagapagsalita. Gaganapin ang programa sa Silid-Kumperensya ng Presidential Car Museum sa ganap na 1:00 ng hapon.

Bagamat libre, limited slots lamang ang inilaan, kaya inaanyayahan ang mga nais dumalo na magparehistro sa pamamagitan ng link sa ibaba o sa pag-scan ng opisyal na QR Code na makikita sa larawan.

REGISTRATION LINK:
https://forms.cloud.microsoft/Pages/DesignPageV2.aspx?origin=NeoPortalPage&subpage=design&id=13WRpRJffEmjGq9YkQCz-ODxmLDgpMdDg8nLMnO4Lj9UNTdHSVVZSFhBU1Q1Qks4RUJDVkRKMVk2MS4u


LUNGSOD QUEZON — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-148 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Pangulong Manuel Quezon, Buwan ng Kasaysayan, at Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas, magkatuwang na maglulunsad ang Presidential Car Museum at Quezon Memorial Shrine – Museo ni Manuel Quezon ng isang natatanging lektura sa darating na Agosto 19, 2026.

Pinamagatang “Justice and Friendship for All: Quezon’s Diplomatic Strategies and Its Relevance to Contemporary Philippine Foreign Policy,” ang lekturang ito ay naglalayong suriin ang patuloy na kahalagahan ng diplomatikong pamana ni Pangulong Quezon sa modernong ugnayang panlabas ng bansa. Ito ay pangungunahan ng kilalang historyador at dalubhasa na si Dr. Ricardo Trota Jose bilang punong tagapagsalita. Gaganapin ang programa sa Silid-Kumperensya ng Presidential Car Museum sa ganap na 1:00 ng hapon.

Bagamat libre, limited slots lamang ang inilaan, kaya inaanyayahan ang mga nais dumalo na magparehistro sa pamamagitan ng link sa ibaba o sa pag-scan ng opisyal na QR Code na makikita sa larawan.

REGISTRATION LINK:
https://forms.cloud.microsoft/r/cUqm0qKLLW


Matagumpay na pagdaraos ng misang pangalaala at pagbabasbas ng puntod biglang paggunita sa Ika-82 Anibersaryo ng Pagpana...
01/08/2026

Matagumpay na pagdaraos ng misang pangalaala at pagbabasbas ng puntod biglang paggunita sa Ika-82 Anibersaryo ng Pagpanaw ni Manuel Quezon at pormal na Pagbubukas ng Buwan ng Wika na ginanap sa Dambanang Quezon - Museo ni Manuel Quezon ngayong araw.

Ang misa at programa ay dinaluhan ng Pangalawang Punong Lungsod ng Lungsod Quezon Gian Sotto, Kon. Tany Joe Calalay at Kon. Nanette Castelo Daza, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino Atty. Marites Barrios-Taran, Pangalawang Punong Tagapagpaganap ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas Rosario Sapitan, at Kaanak ni Pangulong Manuel Quezon na si Ginoong Benjamin Avancena.



𝐓𝐡𝐞 𝐃𝐞𝐚𝐭𝐡 𝐨𝐟 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐢𝐬 𝐋𝐚𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐞𝐠𝐚𝐜𝐲𝑫𝑰𝑫 𝒀𝑶𝑼 𝑲𝑵𝑶𝑾?On August 1, 1944, President Quezon died of tuberculosis in Saran...
01/08/2026

𝐓𝐡𝐞 𝐃𝐞𝐚𝐭𝐡 𝐨𝐟 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐢𝐬 𝐋𝐚𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐞𝐠𝐚𝐜𝐲

𝑫𝑰𝑫 𝒀𝑶𝑼 𝑲𝑵𝑶𝑾?

On August 1, 1944, President Quezon died of tuberculosis in Saranac Lake, New York. A vigil was held at the St. Matthew's Cathedral in Washington D.C. Quezon was given full military honors during his internment at the Arlington cemetery.

On July 27, 1946, his remains were returned to the Philippines and laid to rest at the Manila North Cemetery. On August 19, 1978, the Quezon Memorial Shrine was finally opened to the public and would be his final resting place.

To this day, the tomb of Manuel L. Quezon can be viewed inside the Quezon Memorial Shrine - Museo ni Manuel L. Quezon, an iconic historical landmark of Quezon's lasting legacy.

🖼️ Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴀʟ ꜱʜʀɪɴᴇ - ᴍᴜꜱᴇᴏ ɴɪ ᴍᴀɴᴜᴇʟ ʟ. Qᴜᴇᴢᴏɴ
🗓️ ᴛʜᴇ Qᴍꜱ - ᴍᴍQ ɪꜱ ᴏᴘᴇɴ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴘᴜʙʟɪᴄ ꜰᴏʀ ꜰʀᴇᴇ ꜰʀᴏᴍ TUESDAY - SUNDAY , 9 ᴀᴍ - 4 ᴘᴍ
📍 Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴀʟ ᴄɪʀᴄʟᴇ, ᴇʟʟɪᴘᴛɪᴄᴀʟ ʀᴏᴀᴅ, ᴅɪʟɪᴍᴀɴ, Qᴜᴇᴢᴏɴ ᴄɪᴛʏ



Address

Quezon Memorial Circle, Elliptical Road
Quezon City

Opening Hours

Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm
Saturday 9am - 4pm
Sunday 9am - 4pm

Telephone

+639495685918

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NHCP - Museo ni Manuel Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to NHCP - Museo ni Manuel Quezon:

Shortcuts

Share