30/05/2026
THE MUSEO DIOCESANO DE PASIG MARIAN EXHIBIT IS EXTENDED TODAY! From 8:00AM to 6:00PM, kaya ano tara?
Sa buwan ng Mayo, buwan na iniaalay sa Mahal na Birheng Maria, inaanyayahan kayo ng Museo Diocesano de Pasig na makiisa sa isang paglalakbay ng pananampalataya na hinubog ng debosyon. Isang taimtim na pagninilay sa kagandahan ng pananalig at pag-ibig na patuloy na nag-aalab sa puso ng sambayanan.
Halina’t makiisa sa pagpupugay sa ating pinakamamahal na Ina.
Si Maria, Ina ng Diyos at Ina ng lahat, ang pinakamagandang bulaklak sa hardin ng Diyos, bukal ng tuwa, pag-asa, at biyaya na patuloy na umaantig at nagbibigay liwanag sa ating buhay.
Mayo 7–30, 2026
Huwebes hanggang Linggo | 1:00 – 5:00 ng hapon