21/07/2026
Bahay Wika isinagawa sa Dalwangan katuwang ang mga g**o na IP sa Dalwangan National High School Dalwangan, Malaybalay City β Hulyo 16, 2026. Matagumpay na isinagawa ng Bukidnon Studies Center at ng Sentro ng Wika at Kultura ng Bukidnon State University ang ikaapat na sesyon sa proyektong Bahay Wika sa Dalwangan noong Hulyo 16, sa tulong ng mga g**o ng Indigenous Peoples (IP) mula sa Dalwangan National High School. Pinangungunahan ito nina Rodello D. Pepito, Jhon Joseph Pandong II, mga g**o ng DNHS, ang koordinasyon sa komunidad upang masig**o ang makabuluhang partisipasyon. Ang proyekto ay tatlong taon na proyekto ng Bukidnon State University na pinamumunuan ni Rodello D. Pepito mula sa Sentro ng Wika at Kultura, samantalang si Loreta Sol L. Dinlayan, ng Bukidnon Studies Center ang extension framework at community engagement. Ang buwanang Bahay Wika ay bahagi ng revitalization program ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na naglalayong palakasin ang pagpapanatili ng wika at pamana ng kultura sa pamamagitan ng sama samang pagkatuto kasama ang lokal na komunidad. Sa pakikipagtulungan ng mga g**o ng IP at mga institusyong akademiko, naitatawid ang tradisyunal na kaalaman tungo sa pormal na edukasyon, upang manatiling buhay at makabuluhan ang mga katutubong wika at praktis para sa susunod na henerasyon.