15/06/2026
CWVS, nagsagawa ng workshop para sa mga g**o ng PNHS
Bilang bahagi ng patuloy nitong pagtupad sa mandato nito sa serbisyo publiko at sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad, ang Center for West Visayan Studies (CWVS), sa pakikipagtulungan sa Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ng UP Visayas, ay nagsagawa ng talakayan at pagsasanay para sa mga g**o ng Baitang 11 ng Pavia National High School (PNHS) na nagtuturo ng asignaturang “Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino.” Ang talakayan at pagsasanay ay nakatuon sa pagtukoy at pangangalap ng mga nilalaman hinggil sa lokal na kasaysayan at kultura na umaayon sa mga itinakdang kasanayan sa kurikulum ng nasabing asignatura.
Pinangunahan ni Prof. Jonevee B. Amparo, Acting Director ng CWVS at Tagapag-ugnay ng SWF-UP Visayas, ang talakayan hinggil sa wika at edukasyong pangkultura. Tinalakay naman ni Sashah B. Dioso, University Research Associate ng CWVS, ang mga kagamitang pangnilalaman para sa Unang Markahan (Kamalayang Pangkasaysayan) ng asignatura. Bilang bahagi ng workshop, nagbigay si Darlene Joy D. Calsado, University Research Associate ng CWVS, ng oryentasyon sa mga batayang konsepto ng participatory heritage mapping. Naglaan naman si Faith S. Reforma, Administrative Staff ng CWVS, ng administratibong suporta sa programa.
Isinagawa ang gawain noong Hunyo 10, 2026, mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon sa SWF Conference Room, UPV Iloilo City Campus. Bunga ito ng pagbisita ng mga g**o ng PNHS na sina Rosally M. Perlas, Riza Joy J. Prodigo, Venus E. Andrada, Alona Suerta, at Alnen Grace D. Puerto sa CWVS upang magsaliksik ng mga kagamitang pangnilalaman para sa pangunahing asignatura sa ilalim ng Strengthened Senior High School Curriculum. Inaasahang magpapatuloy ang inisyatibang ito sa loob ng isang taong panuruan upang mabuo at ang mga nilalaman para sa Ikalawa at Ikatlong Markahan.
Isinulat ni Sashah Dioso
Ang mga larawan ay kuha ni Darlene Joy Calsado