AngKas Core Group

  • Home
  • AngKas Core Group
Directions Contact the museum

AngKas Core Group Ang AngKas Core Group ay ang volunteer arm ng UP Departamento ng Kasaysayan, na nabubuo ng mga mag-aaral ng kasaysayan.

Nilalayon naming maghain ng proyekto para sa mga mag-aaral, at mamahagi ng impormasyon mula sa departamento.

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒅𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑲𝑨𝑺𝒔𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑱𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚, 𝒎𝒈𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑯𝒊𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚𝒂𝒅𝒐𝒓 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏! Noong 24 ng Agosto 2026, g...
19/09/2026

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒅𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑲𝑨𝑺𝒔𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑱𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚, 𝒎𝒈𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑯𝒊𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚𝒂𝒅𝒐𝒓 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏!

Noong 24 ng Agosto 2026, ginanap ang KASsical Journey: Department Welcome Assembly para sa ating mga Baguhang Historyador ng Bayan! 📜

Sa pagtitipong ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bagong mag-aaral na makilala ang kanilang kapwa Historyador at ng mga g**o at kawani ng Departamento. Tampok dito ang ilang mga propesor mula sa Departamento ng Kasaysayan, si G. CJ Bedoria mula sa Office of Counseling and Guidance, at si Bb. Andrea Kintanar, dating mag-aaral ng BA History at kasalukuyang propesor sa School of Archaeology.

Patuloy na lumikha ng Kasaysayang naglilingkod sa sambayanan! 🤎


  | Kasaysayan Department Profile 🔎📖One of the oldest academic history departments in the country… 🤔Kinilala bilang Cent...
22/08/2026

| Kasaysayan Department Profile 🔎📖

One of the oldest academic history departments in the country… 🤔
Kinilala bilang Center of Excellence… 😲
Ano kayang departamento ito?

Ngayong Buwan ng Kasaysayan, alamin natin kung bakit walang KASing laKAS ang Department of History!

Para sa mga natatanging impormasyon, maaaring buksan ang link na ito! ⬇️.
🔗 https://tinyurl.com/KasaysayanDepartmentProfile
🔗 https://tinyurl.com/KasaysayanDepartmentProfile
🔗 https://tinyurl.com/KasaysayanDepartmentProfile

Co-presented by:
UP CSSP Student Council
UP Lipunang Pangkasaysayan

Researched by:
UP AngKas Core Group


𝑲𝑨𝑺𝒂𝒎𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒗𝒐𝒚𝒂𝒈𝒆 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏! 📜Sa pag-organisa ng AngKas Core Group, kasama ang UP Lip...
12/08/2026

𝑲𝑨𝑺𝒂𝒎𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒗𝒐𝒚𝒂𝒈𝒆 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏! 📜

Sa pag-organisa ng AngKas Core Group, kasama ang UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS), ginanap ang 𝗔 𝗩𝗼𝘆𝗮𝗴𝗲 𝗧𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗛𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆: 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗶𝘅𝗲𝗿 𝘅 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗧𝗼𝘂𝗿 noong Hulyo 31, 2026 (Biyernes) upang salubungin ang mga baguhang mag-aaral ng BA History sa pamamagitan ng mga palaro at pagpapakilala kasama ang mga kapwang mag-aaral ng programa.

Isinagawa rin ang pag-iikot sa mga kilalang gusali at landmark sa loob ng kampus ng UP Diliman.

Muli, pagbati sa mga baguhang Historyador ng Bayan! 🧡🩵


𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗦𝗲𝗺𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿, 𝗧.𝗔. 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟮𝟬𝟮𝟳Hindi tumatanggap...
29/07/2026

𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗦𝗲𝗺𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿, 𝗧.𝗔. 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟮𝟬𝟮𝟳

Hindi tumatanggap ng teacher’s prerogative ang KAS Registration Committee sa panahon ng rehistrasyon. Ang lahat ng nais makakuha ng slot sa alinmang di-gradwadong kurso (hal., KAS 1, Kas 2, atbp.) ay kailangang dumaan sa online waitlisting sa panahon ng rehistrasyon.

Hindi matitiyak kung kailan magbubukas pa ng mga slot ang mga kursong Kas GE matapos mapuno ang mga slot nito. Hinihikayat na mag-enlist na lamang sa mga kursong may natitirang slots pa.

Mag-uumpisa lamang ang teacher's prerogative sa August 10, 2026.

Ang unang araw ng klase ay sa August 10 (Lunes).
Ang huling araw para sa Change of Matriculation ay sa August 17 (Monday).

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘀𝗲𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲𝘀:
https://tinyurl.com/KasCancel

𝗟𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝘀 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲/𝘀 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗹𝗼𝘁𝘀:
https://tinyurl.com/KasAvailable

  | KONSENSYA NG BAYAN, ISULONG ANG MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA HUSTISYA, KARAPATAN, AT PAMBANSANG SOBERANYA! MARCOS ...
26/07/2026

| KONSENSYA NG BAYAN, ISULONG ANG MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA HUSTISYA, KARAPATAN, AT PAMBANSANG SOBERANYA!

MARCOS SINGILIN, DUTERTE PANAGUTIN! JUNK PAX SILICA NOW!

Isang taon matapos ang huling State of the Nation Address, nananatiling hungkag ang mga ipinangako ng administrasyong Marcos Jr. sa taumbayan. Habang ipinangangalandakan ng estado ang pambansang pag-unlad, lalo namang lumulubog ang sambayanang Pilipino sa kahirapan, panunupil, at pagpapailalim sa dayuhang interes. Hindi mabubura ng isang mabulaklak na SONA ang mga pondong nilustay sa katiwalian, mga buhay na pinaslang ng berdugong militar, at mga komunidad na patuloy na isinasakripisyo alang-alang sa kapangyarihan at tubo.

Mahigpit na kinukondena ng CSSP Student Council, kasama ang mga lumagdang organisasyon ng kolehiyo, ang isa na namang taon ng burukrata-kapitalistang korapsyon, pyudal na pagsasamantala, at imperyalistang paghahari sa ilalim ng rehimeng US-Marcos-Duterte.

Sa nagdaang taon, naging sirko ang Senado sa bangayan ng mga paksyon ng Marcos at Duterte. Tagumpay mang umusad ang paglilitis kay Sara at ang pagpapakulong sa mga kriminal na sina Jinggoy at Marcoleta, nananatiling mailap ang batas para sa mga kaalyado ng administrasyon. Huwad ang ‘selective accountability’ ni Marcos Jr. upang mapagtakpan ang katotohanang siya mismo ang numero unong burukrata-kapitalista sa bayan. Sumambulat din ang bilyon-bilyong pisong flood-control scandal sa gitna ng mga pagbahang sumalanta sa iba’t ibang panig ng bansa.

Habang inuna ng estado ang paghugas-kamay sa mukha ng mga panggap na independent investigations, nasadlak naman sa krisis ng langis at inflation ang mga batayang sektor ng lipunan.
Hindi hiwalay ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa krisis na ito. Bunsod ng kawalan ng sapat na pondo para sa edukasyon, hindi natutugunan ang matagal nang pasanin ng bulwagan sa espasyo, pasilidad, at units. Sa isang kolehiyong hinubog upang maging Konsensya ng Bayan, ang pagkakait ng badyet sa agham panlipunan ay hindi lamang pagsikil sa edukasyon, kundi pati na rin sa kapasidad ng pamantasan na magsuri, maglingkod, at manindigan kasama ng malawak na hanay ng masang Pilipino.

Kaakibat ng malawakang pandarambong ay ang tumitinding pasismo ng estado upang patahimikin ang mga pinipiling lumaban. Nitong Abril, minasaker ng militar sa Negros ang Toboso 19, kabilang ang lider-estudyante at kapwa Konsensya ng Bayan na si Alyssa Alano. Hanggang ngayon, ipinagkakait ang hustisya kina Alyssa, Mau, at sa lahat ng biktima ng militarisasyon habang nagpapatuloy ang pananakot at pandarahas sa mga pinaglingkuran nilang magsasaka at katutubo sa kanayunan. Sa halip na itaguyod ang International Humanitarian Law (IHL), pinili ng estado na bigyang-katwiran ang pamamaslang at dungisan ang alaala ng mga biktima sa pamamagitan ng troll-farming at propaganda.

Patuloy na nire-red-tag ang mga organisasyon, mga pahina sa social media, at maging ang mga estudyanteng nagsasagawa ng fieldwork sa kani-kanilang mga programa. Sa halip na kilalanin ang kritikal na pananaliksik at pakikipamuhay bilang bahagi ng paglilingkod sa kapwa, itinuturing itong banta upang busalan ang akademikong kalayaan at patahimikin ang mga kabataang handang ilantad ang kabulukan ng sistema.

Hindi na bago ang pamamasismo upang pagtakpan ang tunay na pinagsisilbihan ng pamahalaan. Higit pa sa pagtalima ng estado sa dikta ng mga ganid na korporasyon at haciendero, kinakaladkad ngayon ni Marcos Jr. ang Pilipinas sa lalong pagkatali sa imperyalismong US. Sa ilalim ng estratehiyang Pax Silica, pinaiigting ang kontrol ng Estados Unidos sa mahahalagang mineral at semiconductor supply chain ng bansa kalakip ng pagpapalawak ng dayuhang presensya sa pamamagitan ng Balikatan, EDCA, at iba pang kasunduang militar. Habang binabagtas ng estado ang gera at dayuhang agenda, isinasawalang-bahala naman nito ang pinsalang dulot ng A.I. hubs at data centers sa lupa at kabuhayan ng mamamayang Pilipino. Hindi tunay na soberanya ang pagpapagamit ng Pilipinas bilang lunsaran ng dayuhang tubo at digmaan sa ngalan ng huwad na industriyalisasyon at pambansang seguridad.

Bilang mga Konsensya ng Bayan, walang puwang sa ating makasaysayang bulwagan ang pananahimik habang ginagawang normal ng pamahalaan ang korapsyon, militarisasyon, at pagkatuta sa dayuhan. Bigkis-bigkis na sasalubungin ng malawak na hanay ng kabataan sa lansangan ang mapanlinlang na talumpating muling sasambitin ni Marcos Jr.

Hindi mabubura ng anumang State of the Nation Address ang tunay na kalagayan ng lipunan. Hangga’t nananatili ang sistematikong katiwalian, pasismo, at imperyalistang paghahari, magpapatuloy ang militanteng pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa tunay na demokrasya, pambansang soberanya, at panlipunang katarungan.




Signatories:
UP APSM
UP GeogSoc
UP LIKAS
SparkLINGG
POLIS Core Group
SALiGAN sa CSSP
UP PsychSoc
Anthropos Core Group
AngKas Core Group
UP KAPITAS
BUKLOD CSSP
Buklod-Isip
UP AnthroSoc
League of Filipino Students - CSSP
UP Praxis
UP POLSCi

| KONSENSYA NG BAYAN, ISULONG ANG MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA HUSTISYA, KARAPATAN, AT PAMBANSANG SOBERANYA!

MARCOS SINGILIN, DUTERTE PANAGUTIN! JUNK PAX SILICA NOW!

Isang taon matapos ang huling State of the Nation Address, nananatiling hungkag ang mga ipinangako ng administrasyong Marcos Jr. sa taumbayan. Habang ipinangangalandakan ng estado ang pambansang pag-unlad, lalo namang lumulubog ang sambayanang Pilipino sa kahirapan, panunupil, at pagpapailalim sa dayuhang interes. Hindi mabubura ng isang mabulaklak na SONA ang mga pondong nilustay sa katiwalian, mga buhay na pinaslang ng berdugong militar, at mga komunidad na patuloy na isinasakripisyo alang-alang sa kapangyarihan at tubo.

Mahigpit na kinukondena ng CSSP Student Council, kasama ang mga lumagdang organisasyon ng kolehiyo, ang isa na namang taon ng burukrata-kapitalistang korapsyon, pyudal na pagsasamantala, at imperyalistang paghahari sa ilalim ng rehimeng US-Marcos-Duterte.

Sa nagdaang taon, naging sirko ang Senado sa bangayan ng mga paksyon ng Marcos at Duterte. Tagumpay mang umusad ang paglilitis kay Sara at ang pagpapakulong sa mga kriminal na sina Jinggoy at Marcoleta, nananatiling mailap ang batas para sa mga kaalyado ng administrasyon. Huwad ang ‘selective accountability’ ni Marcos Jr. upang mapagtakpan ang katotohanang siya mismo ang numero unong burukrata-kapitalista sa bayan. Sumambulat din ang bilyon-bilyong pisong flood-control scandal sa gitna ng mga pagbahang sumalanta sa iba’t ibang panig ng bansa. Habang inuna ng estado ang paghugas-kamay sa mukha ng mga panggap na independent investigations, nasadlak naman sa krisis ng langis at inflation ang mga batayang sektor ng lipunan.

Hindi hiwalay ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa krisis na ito. Bunsod ng kawalan ng sapat na pondo para sa edukasyon, hindi natutugunan ang matagal nang pasanin ng bulwagan sa espasyo, pasilidad, at units. Sa isang kolehiyong hinubog upang maging Konsensya ng Bayan, ang pagkakait ng badyet sa agham panlipunan ay hindi lamang pagsikil sa edukasyon, kundi pati na rin sa kapasidad ng pamantasan na magsuri, maglingkod, at manindigan kasama ng malawak na hanay ng masang Pilipino.

Kaakibat ng malawakang pandarambong ay ang tumitinding pasismo ng estado upang patahimikin ang mga pinipiling lumaban. Nitong Abril, minasaker ng militar sa Negros ang Toboso 19, kabilang ang lider-estudyante at kapwa Konsensya ng Bayan na si Alyssa Alano. Hanggang ngayon, ipinagkakait ang hustisya kina Alyssa, Mau, at sa lahat ng biktima ng militarisasyon habang nagpapatuloy ang pananakot at pandarahas sa mga pinaglingkuran nilang magsasaka at katutubo sa kanayunan. Sa halip na itaguyod ang International Humanitarian Law (IHL), pinili ng estado na bigyang-katwiran ang pamamaslang at dungisan ang alaala ng mga biktima sa pamamagitan ng troll-farming at propaganda.

Patuloy na nire-red-tag ang mga organisasyon, mga pahina sa social media, at maging ang mga estudyanteng nagsasagawa ng fieldwork sa kani-kanilang mga programa. Sa halip na kilalanin ang kritikal na pananaliksik at pakikipamuhay bilang bahagi ng paglilingkod sa kapwa, itinuturing itong banta upang busalan ang akademikong kalayaan at patahimikin ang mga kabataang handang ilantad ang kabulukan ng sistema.

Hindi na bago ang pamamasismo upang pagtakpan ang tunay na pinagsisilbihan ng pamahalaan. Higit pa sa pagtalima ng estado sa dikta ng mga ganid na korporasyon at haciendero, kinakaladkad ngayon ni Marcos Jr. ang Pilipinas sa lalong pagkatali sa imperyalismong US. Sa ilalim ng estratehiyang Pax Silica, pinaiigting ang kontrol ng Estados Unidos sa mahahalagang mineral at semiconductor supply chain ng bansa kalakip ng pagpapalawak ng dayuhang presensya sa pamamagitan ng Balikatan, EDCA, at iba pang kasunduang militar. Habang binabagtas ng estado ang gera at dayuhang agenda, isinasawalang-bahala naman nito ang pinsalang dulot ng A.I. hubs at data centers sa lupa at kabuhayan ng mamamayang Pilipino. Hindi tunay na soberanya ang pagpapagamit ng Pilipinas bilang lunsaran ng dayuhang tubo at digmaan sa ngalan ng huwad na industriyalisasyon at pambansang seguridad.

Bilang mga Konsensya ng Bayan, walang puwang sa ating makasaysayang bulwagan ang pananahimik habang ginagawang normal ng pamahalaan ang korapsyon, militarisasyon, at pagkatuta sa dayuhan. Bigkis-bigkis na sasalubungin ng malawak na hanay ng kabataan sa lansangan ang mapanlinlang na talumpating muling sasambitin ni Marcos Jr.

Hindi mabubura ng anumang State of the Nation Address ang tunay na kalagayan ng lipunan. Hangga’t nananatili ang sistematikong katiwalian, pasismo, at imperyalistang paghahari, magpapatuloy ang militanteng pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa tunay na demokrasya, pambansang soberanya, at panlipunang katarungan.




Signatories:
UP APSM
UP GeogSoc
UP LIKAS
SparkLINGG
POLIS Core Group
SALiGAN sa CSSP
UP PsychSoc
Anthropos Core Group
AngKas Core Group
UP KAPITAS
BUKLOD CSSP
Buklod-Isip
UP AnthroSoc
League of Filipino Students - CSSP
UP Praxis
UP POLSCi

Noong Hulyo 3, 2026, isinagawa ang SmartiKas Career Talk na naglalayong ipakilala sa mga magsisipagtapos na mag-aaral ng...
05/07/2026

Noong Hulyo 3, 2026, isinagawa ang SmartiKas Career Talk na naglalayong ipakilala sa mga magsisipagtapos na mag-aaral ng Kasaysayan ang iba’t ibang oportunidad at landas na maaari nilang tahakin matapos ang kolehiyo.

Tampok sa Career Talk ang mga tagapagsalitang sina Atty. Marianne Reyeg, Atty. Hosea Ibañez, Mx. Jeanne Maling, Mx. Tala Batangan, at Mx. Rielle Ruiz na nagbahagi ng kanilang mga karanasan tungo sa kani-kanilang propesyon.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga karanasan sa mga magsisipagtapos na mag-aaral ng Kasaysayan sa pagharap sa panibagong yugto ng kanilang paglalakbay.

Muli, pagbati sa mga Historyador ng Bayan! Patuloy na lumikha ng Kasaysayang naglilingkod sa sambayanan! 🎓🤎

Padayon, mga Historyador ng Bayan! 🤎✊🏻
05/07/2026

Padayon, mga Historyador ng Bayan! 🤎✊🏻

Malugod na binabati ng UP Departamento ng Kasaysayan ang Class of 2026! Padayon, mga historyador ng bayan!

03/07/2026

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AngKas Core Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to AngKas Core Group:

Shortcuts

  • Want your museum to be the top-listed museum?

Share