24/08/2025
Narito ang infomercial entry mula sa MALUNO INTEGRATED SCHOOL na nire-representa nina JOEANNA MARIE C. UNAY, KRISTEL MAE V. POSADAS, DEVIN O. BALBIN, MARRIANE LEIGH P. GERONIMO at ANDREI ALEJANDRO.
"Silnaag"
Tayong lahat ay nangangarap na magkaroon ng maayos at magandang mundo. Isang mundong may LIWANAG ng pag-asa, pagmamahal at pagkalinga para sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ngunit MAPUPUNDI ito at tuluyan mawawalan ng liwanag kung patuloy natin itong aabusuhin at sisirain.
Kasabay ng pag-unlad ng makabagong panahon, nagkakaroon din ng pagbabago sa ating mundong ginagalawan. Marami na tayong mga kagamitan na kung saan malakas itong kumunsumo sa elektrisidad, sanhi ng pagkakaroon ng kakulangan (electrical shortage) dahilan upang magkaroon ng pagkawala ng kuryente (power interruption). Alam natin na maraming naaapektuhan kapag dumarating ang ganitong sitwasyon katulad na lamang sa edukasyon, kabuhayan at marami pang iba. REKLAMO dito, reklamo diyan sabay post sa social media. May reklamo sa sobrang init ng panahon dahil nasanay na sa electric fan at aircon, reklamo sa gabi dahil walang ilaw na masisinagan at marami pang iba. Ngunit bago tayo magreklamo, iniisip ba natin ang dahilan ng mga pangyayaring ito?
Ang pababago ng panahon (climate change) ay may malaking epekto sa pagkakaroon ng pagkawala ng kuryente. Una, kung mataas na demand sa kuryente sanhi sa sobrang init ng panahon, mas maraming tao ang gumagamit ng aircon, electric fan, at iba pang cooling appliances, epekto upang tumataas ang demand sa kuryente, at kapag sumobra ito sa kaya ng power grid, nagkakaroon ng overload, na maaaring magresulta sa brownout o blackout (power interruption). Pangalawa, pag-init ng mga kagamitan sa kuryente, sanhi upang ang mga transformers, transmission lines, at iba pang electrical equipment ay nag-iinit din lalo na kapag matindi ang araw na maaaring mag-overheat ang mga ito at masira o pansamantalang huminto sa operasyon, na nagdudulot ng power interruption. Pangatlo, ang pagkatuyo ng mga hydroelectric sources, sanhi ng tag-init, bumababa ang lebel ng tubig sa mga dam, nakung saan nababawasan ang produksyon ng kuryente mula sa hydroelectric power plants, kaya kulang ang supply ng kuryente, at kailangan ng rotational brownouts. Panghuli, ang kalagayan ng maintenance, dahil sa sobrang init, mas mabilis masira o lumala ang kondisyon ng mga kagamitan ng power companies at kinakailangan ng emergency repairs o maintenance shutdowns, na maaaring magdulot ng power outage.
H’wag dapat puro reklamo, tanungin natin ang ating mga sarili baka tayo ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito. May MAGAGAWA tayong paraan upang manumbalik ang LIWANAG ng mundo. Bata man o matanda, mahirap man o mayaman may magagawa tayo. Maaari tayong magtanim ng punong kahoy upang maibsan ang init ng panahon, maaari tayong gumamit ng renewal energy tulad ng solar at iba pa. Magtipid ng kuryente at higit sa lahat maging modelo ng karunungan at kaalaman sa bawat isa.
Kaya’t simulan natin ang PAGBABAGO sa ating sarili at tumindig tayong mga KABATAAN sa LIWANAG ng bukas at sa hinaharap.
Send a message to learn more