National Museum of the Philippines - Baler

National Museum of the Philippines - Baler The Official Page of National Museum of the Philippines-Baler located in Baler, Aurora.

๐Œ๐ ๐š ๐€๐ ๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐จAng panganga*oโ€”๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ข๐๐ฎ๐ค sa Agta Dinapigue at ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ง๐จ๐ฉ sa Agta Casiguranโ€”ay mahalagang bahagi ng ...
23/08/2026

๐Œ๐ ๐š ๐€๐ ๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐จ

Ang panganga*oโ€”๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ข๐๐ฎ๐ค sa Agta Dinapigue at ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ง๐จ๐ฉ sa Agta Casiguranโ€”ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga Agta sa Aurora at Isabela, gayundin sa iba pang bahagi ng Sierra Madre. Tinatahak ng mga manganga*o ang mga kagubatan at kabundukan, kung minsan ay kasama ang kanilang mga a*o, upang maghanap at manghuli ng mga hayop na maaaring maging pagkain o, sa ilang pagkakataon, maging alagang hayop. Tradisyonal na ginagamit sa panganga*o ang ๐›๐ฎ๐ฌ๐จ๐  at ๐ฉ๐š๐ง๐š (bow and arrow), na yari sa mga materyales na lokal na matatagpuan sa kanilang kapaligiran: ๐š๐ง๐š๐ฐ(๐™‡๐™ž๐™ซ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™ž๐™– sp.) para sa ๐›๐ฎ๐ฌ๐จ๐  (bow); ๐›๐ข๐ ๐ข๐ฐ ๐จ ๐›๐ข๐ ๐จ (๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™˜๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™๐™ช๐™จ sp.) para sa bigo (reed shaft); ๐ก๐š๐ค๐ž๐ฌ (Ficus vine) para sa tali ng busog (bowstring); at mga balahibo ng kalaw para sa ๐š๐ฅ๐š๐ (fletching).

Karaniwang itinuturing na gawaing panlalaki ang panganga*o at mahalagang tanda ng kasanayan at kakayahan. Ang pambihirang galing sa panganga*o ay madalas ding ituring na kaakit-akit na katangian sapagkat nagpapakita ito ng kakayahan ng isang lalaki na maglaan ng pagkain para sa kanyang pamilya. Gayunman, hindi lamang kalalakihan ang nakikilahok dito. Ang mga kababaihan ay maaari ring sumama sa panganga*o o maging bihasang manganga*o mismo.

Matapos ang matagumpay na panganga*o, isinasagawa ang ๐ญ๐ฎ๐ค๐ž๐ฅ o ang pamamahagi ng nahuling hayop sa mga miyembro ng komunidad, tumulong man o hindi ang mga ito sa mismong panganga*o. Kabilang sa mga karaniwang hinuhuli ang ๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง (wild pig), ๐ฎ๐ ๐ฌ๐š (deer), ๐ฎ๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฒ (monkey), ๐ฌ๐š๐ฐ๐š (python), ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐š๐ง๐  (civet), at ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ (hornbill).

Higit pa sa pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain, may mahalagang papel din ang panganga*o sa mahahalagang yugto ng buhay ng mga Agta. Halimbawa, kapag may ikakasal sa komunidad, pananagutan ng pamilya ng lalaki ang panghuhuli ng isang laman (wild pig). Iniaalay ito bilang regalo sa pamilya ng babae at inihahain bilang bahagi ng handa sa kasal. Makikita ang kahalagahang pangkultura ng baboy-ramo sa dami ng mga katawagang ginagamit para tukuyin ang iba't ibang uri o kalagayan nito: ๐›๐ฎ๐ญ๐š๐ค๐š๐ฅ para sa lalaking baboy-ramo, ๐ญ๐š๐ง๐ž๐ para sa babaeng baboy-ramo, ๐›๐š๐ก๐š๐ค para sa biik, at ๐š๐ฅ๐ฅ๐จ๐๐ž๐ง ๐จ ๐ฆ๐š๐›๐ฎ๐ค๐ญ๐ž๐ญ para sa buntis na baboy-ramo.

Mahalaga rin ang mga panaginip, sapagkat pinaniniwalaang maaari itong magbigay ng gabay kung kailan ligtas o mainam na manghuli. Maaari ring lumitaw ang ๐ฌ๐ข๐ง๐ฒ๐š๐ฅ o isang palatandaan, gaya ng pagkakaroon ng malaking bituin sa tabi ng buwan. Itinuturing ang ganitong ๐ฌ๐ข๐ง๐ฒ๐š๐ฅ bilang babala ng nalalapit na panganib at maaaring maging dahilan upang ipagpaliban o tuluyang itigil ng mga manganga*o ang kanilang paglalakbay patungo sa kagubatan.

Ang panganga*o ng mga Agta ay hindi lamang simpleng paraan ng pagkuha ng pagkain. Upang lubos itong maunawaan, kailangang tingnan ang magkakaugnay na sistemang humuhubog dito: ang mga kagamitang ginagamit sa paghuli ng mga hayop; ang mga kaugalian at tradisyong nakapaligid sa panganga*o; ang mga pagkakaibang pangwika sa pagtukoy at pag-unawa sa mga hinuhuling hayop; at ang mga kosmolohikal na penomenang gumagabay sa pagpapasya kung kailan at kung dapat bang ipagpatuloy ang panganga*o.

Sa ganitong pananaw, ang panganga*o ay isang organisadong sistema ng kaalaman at gawaing panlipunan kung saan patuloy na isinasabuhay at naipapasa ang mga kasanayan, ugnayan, pagpapahalaga, at paniniwala ng komunidad. Hindi lamang nito natutugunan ang pangangailangan sa pagkain; pinananatili rin nito ang isang mundong pangkultura na patuloy na binubuo, isinasabuhay, at ipinapasa mula sa isang henerasyon tungo sa susunod.

๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง

Griffin, P. B., & Estioko-Griffin, A. (2012). The centrality of arrow crafting and hunting in the Agta way-of-life. The Cordillera Review: Journal of Philippine Culture and Society, 4(2), 65โ€“89. https://doi.org/10.64743/YZMB5170

-Baler

Bilang bahagi ng kanilang pagbisita sa lalawigan ng Aurora, isang pangkat ng mga propesyunal sa larangan ng medisina, ka...
16/08/2026

Bilang bahagi ng kanilang pagbisita sa lalawigan ng Aurora, isang pangkat ng mga propesyunal sa larangan ng medisina, kabilang ang ๐™Š๐™ฅ๐™๐™ฉ๐™๐™–๐™ก๐™ข๐™ค๐™ก๐™ค๐™œ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™‰๐™ช๐™ง๐™จ๐™š๐™จ, sa ilalim ng ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐——๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ ๐—™๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป at Asian Hospital and Medical Center, ang bumisita sa ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ โ€“ ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ, kasama si ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ธ ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ng Aurora.

Isinagawa ang pagbisita bago ang kanilang ๐™จ๐™ช๐™ง๐™œ๐™ž๐™˜๐™–๐™ก ๐™ข๐™ž๐™จ๐™จ๐™ž๐™ค๐™ฃ, na naglalayong makapaghatid ng serbisyong medikal at pangangalaga sa paningin sa mga benepisyaryo sa lalawigan. Bago ang kanilang mahalagang gawaing pangkalusugan, nagkaroon ang grupo ng pagkakataong makilala at mapahalagahan ang mayamang kasaysayan at pamanang kultural ng Aurora sa pamamagitan ng pagbisita sa museo.

Ang pagbisitang ito ay nagsilbing makabuluhang pagkakataon upang pag-ugnayin ang serbisyo sa komunidad at pagpapahalaga sa pamanang kultural. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, naipakikita na ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nakatuon sa pangangalaga ng kalusugan, kundi maging sa pagkilala at paggalang sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng pamayanang pinaglilingkuran.

Taos-pusong nagpapasalamat ang ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ โ€“ ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ sa ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐——๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ ๐—™๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป sa pangkat ng mga propesyunal sa larangan ng medisina, at kay ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ธ ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎsa kanilang pagbisita at pakikiisa sa pagpapahalaga sa kasaysayan at pamanang kultural ng Aurora.

๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ปโ€”๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป.






Noong ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” muling isinagawa ng ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ ang ikalawang yugto ng programang โ€œ๐€๐ง๐  ๐...
15/08/2026

Noong ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” muling isinagawa ng ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ ang ikalawang yugto ng programang โ€œ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ: ๐€๐ญ๐ข๐ง๐  ๐€๐ฅ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง!โ€bilang bahagi ng ๐๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ, na ginanap sa ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐ข๐ฌ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ, Brgy. 01, Poblacion, San Luis, Aurora.

Aktibong nakibahagi sa programa ang mga mag-aaral ng Ika-anim na Baitang, ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ญ ๐„๐š๐ซ๐ญ๐ก at ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ญ ๐’๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง, sa pangunguna ng kanilang g**o sa Araling Panlipunan na si ๐Œ๐šโ€™๐š๐ฆ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž๐ฅ๐๐š ๐…๐ซ๐ข๐ ๐ข๐ง๐š๐ฅ, at sa buong suporta ng kanilang Punong G**o na si ๐Œ๐šโ€™๐š๐ฆ ๐€๐ง๐ง๐ข๐ž ๐†๐ฅ๐ž๐ฆ๐š๐จ.

Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng Pambansang Museo โ€“ Baler na higit pang mailapit ang museo at ang mga koleksiyon nito sa kabataan, maging bahagi ng kanilang pagkatuto, at mapalalim ang kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan, kultura, at pamanang kultural ng ating bansa at ng lalawigan ng Aurora.

Ang ganitong mga gawaing pang-edukasyon ay nagsisilbing tulay upang ang mga aral ng nakaraan ay higit na maging makabuluhan sa kasalukuyan, habang hinuhubog ang kabataan bilang mga tagapag-ingat at tagapagpatuloy ng ating pamanang kultural.

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐ข๐ฌ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ, sa pamunuan, mga g**o, at mga mag-aaral ng mula sa Ika-anim na Baitang sa kanilang mainit na pagtanggap at pakikiisa sa programang ito.

๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ซ๐š๐š๐ง, ๐ฎ๐ง๐š๐ฐ๐š๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐š ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ฅ๐š๐ก๐ข. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ“ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š๐ก๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ
๐Ÿ•˜ ๐๐”๐Š๐€๐’ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐– | ๐Ÿ—:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐.๐”. โ€“ ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐.๐‡.
๐ŸŽŸ๏ธ ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“!
๐Ÿชช ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ฒ๐š๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ฅ๐ข๐๐จ๐ง๐  ๐ˆ๐ƒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐ก๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ.






๐Ÿ“ข ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽMangyaring mabigyang-pansin ang sumusunod na paunawa hinggil sa iskedyul ng suplay ng kuryente sa ๐๐š...
13/08/2026

๐Ÿ“ข ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Mangyaring mabigyang-pansin ang sumusunod na paunawa hinggil sa iskedyul ng suplay ng kuryente sa ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ.
Ipinababatid po sa lahat ng aming mga bisita na ang Pambansang Museo Baler ay mananatiling bukas sa publiko sa kabila ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente.

โšก ๐Ÿ—:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š โ€“ ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง
๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐ง๐š ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ซ๐ฒ๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ. ๐’๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐จ๐ซ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐ข๐ญ๐จ:

โ€ข ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐ฎ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ ๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐˜ฅ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต.
โ€ข ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ ๐š๐ ๐š๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ข๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜บ๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ.
โ€ข ๐Œ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐š๐š๐ซ๐ข ๐ฉ๐š ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐›๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š๐ก๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ž๐ค๐ฌ๐ข๐›๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐š๐š๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ญ๐š ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ซ๐ฒ๐ž๐ง๐ญ๐ž.

โšก ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง โ€“ ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง
๐Œ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ซ๐ฒ๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ ๐ง๐  ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ. ๐’๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐จ๐ซ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐ข๐ญ๐จ, ๐ฆ๐š๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐˜ฅ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต ๐š๐ญ ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜บ๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ, ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐ข๐๐š๐ ๐ง๐  ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ.

๐Ÿ“Œ ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€:
Ang museo ay bukas sa publiko mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng limitasyon sa ilang pasilidad at ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜บ๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ mula 9:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon dahil sa kawalan ng regular na suplay ng kuryente.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.

๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€๐๐† ๐Œ๐”๐’๐„๐Ž ๐๐€๐‹๐„๐‘
Para sa kultura, kasaysayan, at pamanang ating pinahahalagahan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kapag pinag-uusapan ang Aurora, karaniwang sumasagi sa ating isipan ang taglay nitong kagandahanโ€”ang malawak na karagata...
12/08/2026

Kapag pinag-uusapan ang Aurora, karaniwang sumasagi sa ating isipan ang taglay nitong kagandahanโ€”ang malawak na karagatan, maririkit na kabundukan, umaagos na mga ilog, luntiang kagubatan, at mga pamayanang may kani-kaniyang kuwento at kasaysayan. Ngunit ang tunay na yaman ng isang lalawigan ay hindi lamang nasusukat sa ganda ng mga likas na tanawin, yamang likas, at mga makasaysayang pook. Higit sa lahat, matatagpuan din ito sa mga taong bumubuo sa pamayanan at sa mga kulturang kanilang pinagyayaman at ipinapasa sa bawat salinlahiโ€”kabilang na rito ang isang mahalagang pamana: ang Wika.

Ang isang lugar ay hindi lamang nakikilala sa kaniyang kasaysayan, kultura, tradisyon, at mga taong naninirahan dito. Nakikilala rin ito sa mga salitang ginagamit ng kaniyang mga mamamayan. Sa bawat salita ay maaaring nakapaloob ang karanasan ng isang henerasyon, ang paraan ng pamumuhay ng isang pamayanan, at ang mga alaala ng mga taong nauna sa atin.

Sa Aurora, mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan ang iba't ibang anyo at varayti ng wikang ginagamit sa ating mga pamayanan. Ayon sa ๐Š๐จ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ (๐Š๐–๐…), kinikilala ang ๐“๐š๐ ๐š๐ฅ๐จ๐ -๐€๐ฎ๐ซ๐จ๐ซ๐š bilang isa sa mga kilalang wikain ng Tagalog. Ipinakikita nito na ang paraan ng pagsasalita sa Aurora ay bahagi ng mas malawak na kasaysayan at pagkakaiba-iba ng wikang Tagalog sa Pilipinas.

Isa sa mga pamayanang mahalaga sa pag-aaral ng wika sa Aurora ay ang ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ. Bilang kabisera ng lalawigan, ang Baler ay may mayamang kasaysayan at kultura na makikita hindi lamang sa mga lugar at tradisyon nito kundi maging sa paraan ng pagsasalita ng mga mamamayan.

Sa lokal na dokumentasyon at paggamit, may mga salita at ekspresyong iniuugnay sa ๐“๐š๐ ๐š๐ฅ๐จ๐ -๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ, gaya ng โ€œ๐š๐ค๐ค๐š๐ฐ,โ€ โ€œ๐š๐ซ๐žโ€ ๐จ โ€œ๐š๐ซ๐ž๐ก,โ€ โ€œ๐š๐ง๐ข๐ง,โ€ โ€œ๐š๐๐ฒ๐จ,โ€ ๐š๐ญ โ€œ๐ฉ๐ฎ๐ซ๐จ๐ฉ๐ฎ๐ซ.โ€ Ang mga salitang ito ay nagpapakita kung paano nagkakaroon ng sariling kulay at katangian ang wika habang ginagamit ito ng isang pamayanan sa pang-araw-araw na buhay.

Halimbawa, ang โ€œ๐š๐ค๐ค๐š๐ฐโ€ ay isang ekspresyong ginagamit upang ipahayag ang pagkagulat, paghanga, o matinding reaksiyon. Kapag narinig natin ang isang taga-Aurora na nagsabi ng, โ€œAkkaw! Ang laki ng alon!โ€, hindi lamang damdamin ang kaniyang ipinahahayag. Kasabay nito ay naririnig natin ang isang bahagi ng lokal na paraan ng pagsasalita.

Ang โ€œ๐š๐๐ฒ๐จโ€ naman ay naitala bilang anyong nangangahulugang umakyat, samantalang ang โ€œ๐ฉ๐ฎ๐ซ๐จ๐ฉ๐ฎ๐ซโ€ay iniuugnay sa malakas na ulan na may kasamang bugso ng hangin. Ang mga ganitong salita ay mahalagang pag-aralan sapagkat maaaring ipinakikita nila kung paano nakaimpluwensiya ang kapaligiran at karanasan ng mga tao sa pagbuo at paggamit ng kanilang bokabularyo.

Ngunit may isang mahalagang bagay na dapat nating tandaan.

Hindi lahat ng salitang ginagamit sa Baler ay nangangahulugang sa Baler lamang ito ginagamit o doon lamang ito nagmula. Ang mga salita ay naglalakbay kasama ng mga tao. Maaari silang magkaroon ng iba't ibang anyo at kahulugan sa magkakaibang lugar. Maaari ring may mga salitang ginagamit sa Baler na naririnig din sa ibang bahagi ng Aurora o sa mga karatig-lalawigan.

Dahil dito, sa pagtatala ng ating mga salitang pamana, mahalagang maging maingat at responsable. Hindi sapat na sabihin nating โ€œsalitang Balerโ€ o โ€œsalitang Auroraโ€ ang isang salita nang walang sapat na ebidensiya. Mas mainam na alamin kung saan ito ginagamit, sino ang gumagamit nito, ano ang kahulugan nito, at kung mayroon bang dokumentasyong nagpapatunay sa pinagmulan at gamit nito.

Ang ganitong paraan ng pag-aaral ay hindi lamang tungkol sa wika. Ito ay tungkol sa paggalang sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng isang pamayanan.

Mahalaga rin ang papel ng ating mga lolo at lola, magulang, at mga nakatatanda sa pagpapanatili ng mga salitang ito. Maraming salita ang maaaring hindi na gaanong ginagamit ng mga kabataan ngayon ngunit nananatili sa alaala ng mga nakatatanda. Sa kanilang mga kuwento, biro, kasabihan, pangaral, at pang-araw-araw na pakikipag-usap ay naroroon ang mga salitang maaaring tuluyang mawala kung hindi natin itatala at gagamitin.

Kaya ang Salitang Pamana ng Aurora ay isang munting hakbang upang muling pakinggan ang mga salitang maaaring matagal na nating naririnig ngunit hindi na natin gaanong napapansin.

Layunin nitong kilalanin, itala, pag-aralan, at pahalagahan ang mga salita at ekspresyong ginagamit sa iba't ibang pamayanan ng Aurora. Hindi lamang natin titingnan ang kahulugan ng bawat salita. Sisikapin din nating alamin ang konteksto ng paggamit nito, ang halimbawa ng pangungusap, ang lugar kung saan ito ginagamit, at ang mga sangguniang makatutulong upang mapatunayan ang impormasyon.

Nagbabago ito habang nagbabago ang pamayanan. May mga salitang dumarating, may mga salitang nag-iiba ang kahulugan, at may mga salitang unti-unting nawawala. Ngunit sa bawat salitang patuloy nating ginagamit, may kwentong maaaring maipamana sa susunod na henerasyon.

Ang pamana ay hindi lamang mga lumang gusali, makasaysayang lugar, kagamitan, larawan, o dokumento. Kasama rin dito ang mga salitang minana natin sa ating mga ninuno.

Lahat ng ito ay bahagi ng ating buhay na kultura.

Kaya ang Salitang Pamana ng Aurora ay hindi lamang isang talaan ng mga salita. Ito ay isang paanyaya na balikan ang ating mga ugat, pakinggan ang tinig ng mga nakatatanda, kilalanin ang ating mga lokal na pananalita, at ipasa ang mga ito sa mga susunod na salinlahi.

Ang salitang ginagamit natin ngayon ay maaaring maging pamana ng bukas.
Mula Baler hanggang sa iba't ibang pamayanan ng Aurora, sama-sama nating kilalanin, itala, at pahalagahan ang sariling wika.

Kilalanin. Itala. Ipagmalaki. Ipagpatuloy.

Sapagkat ang bawat salita ay may kuwento. At ang bawat kuwento ay bahagi ng ating pamana.

#๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ก๐—ด๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ #๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ #๐—ก๐— ๐—ฃ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ #๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ

๐Œ๐†๐€ ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐
[1] Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Tagรกlog โ€“ KWF Repositoryo. Tinutukoy ang Tagalog-Aurora bilang isa sa mga kilalang wikain ng Tagalog.
KWF โ€“ Tagรกlog Repositoryo
[2] Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Mga Wika ng Pilipinas / Listahan ng mga Katutubong Wika ng Pilipinas.
KWF โ€“ Mga Wika ng Pilipinas
[3] Municipality of Baler, Aurora. Opisyal na impormasyon tungkol sa Baler, kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng pamayanan.
Municipality of Baler โ€“ Official Website

Nakikiisa ang ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ sa pagdiriwang ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐’๐ฉ๐š๐œ๐ž ๐–๐ž๐ž๐ค ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” na pinangungunahan ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐’๐ฉ๐š...
10/08/2026

Nakikiisa ang ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ sa pagdiriwang ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐’๐ฉ๐š๐œ๐ž ๐–๐ž๐ž๐ค ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” na pinangungunahan ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐’๐ฉ๐š๐œ๐ž ๐€๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ (๐๐ก๐ข๐ฅ๐’๐€).

Bilang tagapangalaga ng ating kasaysayan, kultura, sining, at likas na pamana, kinikilala ng ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ ang mahalagang ugnayan ng agham, teknolohiya, at kultura sa paghubog ng ating kinabukasan. Sa pamamagitan ng paggunita sa ating mga natuklasan at pag-unawa sa ating mundo, patuloy nating binibigyang-inspirasyon ang susunod na henerasyon na tumingin sa mga bituin at mangarap nang higit pa. โœจ

๐Ÿ›ฐ๏ธ ๐๐š๐ฏ๐ข๐ ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐“๐จ๐ฆ๐จ๐ซ๐ซ๐จ๐ฐ โ€” sama-sama nating tuklasin, unawain, at ipagmalaki ang ambag ng Pilipinas sa kalawakan at sa mas maunlad na kinabukasan.

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ง๐š, ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ก๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ซ๐š๐ฉ. ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ, ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค๐š๐ง! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒ๐Ÿš€





09/08/2026

Muling nagbalik sa ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ ang ikalawang pangkat ng mga mag-aaral mula sa ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‚๐ž๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ ๐€. ๐๐ข๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ฅ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅng Bayan ng San Luis, kasama ang kanilang g**o na si๐†. ๐‘๐ฎ๐ž๐ฅ ๐€. ๐๐ฎ๐ข๐š๐ฉ.

Sa kanilang pagbisita, muling nabigyang-buhay ang mga kuwento, kultura, at kasaysayan ng Auroraโ€”isang makabuluhang karanasan na nag-uugnay sa kabataan sa ating pamanang kultural. ๐Ÿ›๏ธ๐Ÿ“–

Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik at pakikiisa sa NMPโ€“Baler sa layuning mapalapit ang kasaysayan at kultura sa bawat mag-aaral. ๐Ÿ’™

๐Ÿ“ Bisitahin ang Pambansang Museo ng Pilipinas โ€“ Baler
๐Ÿ•˜ BUKAS ARAW-ARAW | 9:00 N.U. โ€“ 5:00 N.H.
๐ŸŽŸ๏ธ LIBRE ANG PAGPASOK PARA SA LAHAT!
๐Ÿชช Mangyaring magdala ng balidong ID para sa pagpaparehistro.




Bilang kauna-unahang ๐˜—๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ ng ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ mula nang magbukas ito noong Hunyo 30, 2026, matagumpay ...
07/08/2026

Bilang kauna-unahang ๐˜—๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ ng ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ mula nang magbukas ito noong Hunyo 30, 2026, matagumpay na isinagawa noong Agosto 5, 2026 ang "๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ: ๐€๐ญ๐ข๐ง๐  ๐€๐ฅ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง! โ€“ ๐€ ๐๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ" sa Reserva Elementary School.

Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa Ikalima at Ikaanim na Baitang, sa pangangasiwa ng kanilang mga g**o sa Araling Panlipunan na sina ๐Œ๐š'๐š๐ฆ ๐€๐ก๐ซ๐š ๐Œ๐š๐ž ๐. ๐‹๐š๐ง๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐ง at ๐Œ๐š'๐š๐ฆ ๐„๐ฅ๐ฅ๐š๐ข๐ง๐ž ๐‰๐จ๐ฒ ๐’. ๐…๐š๐ฅ๐œ๐š๐ฌ๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ.. Sa pamamagitan ng masigla at interaktibong talakayan, naipakilala ang Pambansang Museo โ€“ Baler at naibahagi ang mahahalagang kaalaman tungkol sa mayamang likas at kultural na pamana ng lalawigan ng Aurora.

Lubos ang pasasalamat ng Pambansang Museo โ€“ Baler kay Dr. ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ ๐ƒ๐š๐ง ๐’. ๐๐š๐ซ๐œ๐ž๐ฅ๐จ, Punong G**o ng Reserva Elementary School, sa kanyang suporta at pakikiisa, gayundin sa mga g**o sa Araling Panlipunan at sa lahat ng mga mag-aaral para sa kanilang mainit na pagtanggap at aktibong pakikilahok na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng programa. Nawaโ€™y patuloy na magsilbing tulay ang mga ganitong inisyatiba sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapalalim ng pagpapahalaga ng kabataan sa ating kasaysayan, kultura, at pambansang pamana.





Sa pagpa*ok ng buwan ng Agosto, ating sinisimulan ang pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐งโ€”isang mahalagang panahon upang ...
31/07/2026

Sa pagpa*ok ng buwan ng Agosto, ating sinisimulan ang pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐งโ€”isang mahalagang panahon upang alalahanin, pahalagahan, at ibahagi ang mga kuwento ng ating nakaraan na humubog sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Ito ay pagkakataon upang balikan ang mga sakripisyo, tagumpay, tradisyon, at kulturang ipinasa sa atin ng mga naunang henerasyon.

Ang ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐จ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang na ito bilang bahagi ng pagsusulong ng pagpapahalaga sa ating lokal at pambansang kasaysayan. Sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagdiriwang na ito, hangad ng NMP-Baler na mapalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga mamamayan sa kahalagahan ng ating mga kuwento, pamana, at kulturang bumubuo sa ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.

Ngayong Buwan ng Kasaysayan, sama-sama nating pahalagahan ang ating mga pinagmulan, pangalagaan ang ating mga pamanang kultural, at matuto mula sa mga aral ng nakaraan. Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang ating kasaysayan upang patuloy nating ipagmalaki at pangalagaan ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

๐€๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐š๐จโ€”๐ข๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง, ๐ค๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ, ๐š๐ญ ๐ ๐š๐›๐š๐ฒ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง.





The ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐ฎ๐ฆ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ  was privileged to welcome two distinguished individuals whose work conti...
29/07/2026

The ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐ฎ๐ฆ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ was privileged to welcome two distinguished individuals whose work continues to shape the fields of art, design, and culture.

During separate visits, ๐„๐š๐ฆ๐ž๐ฌ ๐ƒ๐ž๐ฆ๐ž๐ญ๐ซ๐ข๐จ๐ฌโ€”internationally renowned designer, author, and Director of the Eames Officeโ€”and ๐‰๐ž๐Ÿ๐Ÿ ๐Œ๐š๐ซ๐จ๐ง๐ข๐ฅ๐ฅ๐š-๐’๐ž๐ฏ๐š ๐๐ฎ๐ข๐ง๐ญ๐š๐ง๐จ, a respected local tattoo artist and cultural advocate, explored the museum's galleries and discovered the rich history, vibrant culture, and remarkable natural heritage of Aurora.

Their visits reflect the enduring connection between creativity and cultural heritage. Museums are not only spaces for preserving the pastโ€”they are also places where ideas are sparked, perspectives are enriched, and inspiration is found across disciplines.

The National Museum of the Philippines โ€“ Baler is grateful for their visits and remains committed to providing meaningful museum experiences that inspire learning, creativity, and a deeper appreciation of our shared heritage.

๐Ÿ“ ๐•๐ข๐ฌ๐ข๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐ฎ๐ฆ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ โ€“ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ซ
๐Ÿ•˜ ๐Ž๐๐„๐ ๐ƒ๐€๐ˆ๐‹๐˜ | ๐Ÿ—:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ โ€“ ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ
๐ŸŽŸ๏ธ ๐…๐‘๐„๐„ ๐€๐ƒ๐Œ๐ˆ๐’๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐š๐ฅ๐ฅ!
๐Ÿชช ๐๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž ๐›๐ซ๐ข๐ง๐  ๐š ๐ฏ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐ˆ๐ƒ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ซ๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง.




Address

Purok 4, Sitio Cabituculan, Brgy. Reserva
Baler
3200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when National Museum of the Philippines - Baler posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category