01/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026: Pagkakaisa Tungo sa Maunlad na Panibagong Taon ng Panuruan
Sa Ika-1 ng hunyo, unang araw ng Brigada Eskwela 2026, muling nating nasaksihan ang diwa ng pagkakaisa ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at iba pang mga boluntaryong nagmula sa iba't ibang barangay sa ilalim ng temang, “BAYANIHAN SA PAARALAN: nag kakaisa para sa kaayusan at kaalaman”. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, naging mas magaan at mas mabilis ang paglilinis ng bawat sulok at silid-aralan ng ating munting paaralan.
Ang kanilang taos-pusong pagmamahal at kusang-loob na paglilingkod sa paghahanda ng mga silid-aralan para sa nalalapit na panibagong taon ng panuruan ay patunay ng kanilang malasakit sa edukasyon. Sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, Paunti-unti nating naitataguyod ang isang malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran na magsisilbing daan tungo sa mas maginhawa at mabuting pagkatuto ng bawat mag-aaral.