Samahang Saliksik Pasig

Samahang Saliksik Pasig Naninindigan ang Samahang Saliksik Pasig sa tunay na paglilingkod gamit ang kritikal na isip tungo sa

Ang Samahang Saliksik Pasig (SSP) ay itinatag noong Hulyo 2011. Ito ay binuo sa pangangailangang magtayo ng isang samahang mag-aaral at magsasaliksik tungkol sa kasaysayan, kultura at lipunan ng Pasig at naniniwala sa mahalagang papel ng mga Pasigueño sa pagtataguyod at pagpapaibayo ng Araling Pasig. Isinusulong din ng SSP ang paggamit at pagpapalaganap ng Wikang Filipino.

"NASA INTERNAL NA KRISIS ANG SSP NGAYON. KUNG BIBITAW KA, HINDI KA NAMIN KASAMA SA MULI NAMING PAGBANGON. MALALAMPASAN I...
13/06/2024

"NASA INTERNAL NA KRISIS ANG SSP NGAYON. KUNG BIBITAW KA, HINDI KA NAMIN KASAMA SA MULI NAMING PAGBANGON. MALALAMPASAN ITO NG SSP AT MAGBABALIK KAMI NG BUONG HUSAY AT LAKAS. MAG-ABANG KA LANG."

Mataas na pagpupugay sa mga kababaihan ng panahon, kayo po talaga ang tagapagtaguyod ng sining, panitikan, at kultura mu...
25/03/2023

Mataas na pagpupugay sa mga kababaihan ng panahon, kayo po talaga ang tagapagtaguyod ng sining, panitikan, at kultura mula sa lokal tungo sa pambansang paghaharaya. Malinaw sa naganap na panayam bilang mahalagang bahagi ng Buwan ng mga Kababaihan na "malaya ang kasariang mulat sa katotohanan at pagtataguyod ng mabuting kinabukasan." Sobrang pasasalamat po sa LGU Pasig, Pasig City Gender and Development Office, Pasig City Museum, CCP Performatura, at Samahang Pangkasaysayan ng Pasig para sa maka-babaeng araw.

Mga Paksang Tinalakay:

Mutya: Ang Imahe(n) ng mga Kababaihan sa Sining at Kultura ng Pasig ni Danim R. Majerano

Mga Leading Lodi ng Panitikang Pilipino ni Beverly "Bebang" Siy

Venue: Pamantasan ng Lungsod ng Pasig

Padayon lagi't lagi sa mga Kababaihan!

-Danim Majerano
Research and Education Director

Tayo nang dumalo, makinig, at makidiskurso sa Usapang Babae: Ang Saysay ng Malayang Kasarian.9:00 n.u. hanggang 12:00 n....
22/03/2023

Tayo nang dumalo, makinig, at makidiskurso sa Usapang Babae: Ang Saysay ng Malayang Kasarian.

9:00 n.u. hanggang 12:00 n.t. sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Function Hall.

Ngayong Marso ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Kababaihan sa bisa ng Presidential Proclamation No. 227, s. 1998. Ang tema ngayong taon ay “WE for gender equality and inclusive society”.

Bilang paglahok sa , matutunghayan ang "Usapang Babae: Ang Saysay ng Kasariang Malaya”. Ang libreng lektura na ito ay hatid sa atin ng Pasig City Museum kasama ang Pasig Gender and Development Office, Performatura, Samahang Saliksik Pasig at Samahang Pangkasaysayan ng Pasig.

Tara't makilahok, makinig at matuto na ang babae ay kasariang malaya, ang kaniyang saysay noon pa man ay kumatha at naitanghal sa kasaysayang pambansa at lokal.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=304586345010496&id=100063773977424
29/12/2021

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=304586345010496&id=100063773977424

Isang Malaya at Mapagpalayang Araw sa lahat!

Bilang paggunita sa mahahalagang ambag at pakikilahok ng dalawang kinikilala nating mga pambansang bayani, sina Rizal at Bonifacio... Inaanyayahan namin kayong dumalo, manood, makinig, at makidiskurso sa Birtuwal na Kapihan. Bukas na ito, Disyembre 30, 2021 sa ganap na 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Napakahalaga ng gawaing ito upang mapalalim pa natin ang ating pagkatao bilang Pasiguenyo at bilang Pilipino. Kita kits bukas!


Maligayang Kapistahan sa Patrona ng Pasig.
08/12/2021

Maligayang Kapistahan sa Patrona ng Pasig.

08/10/2021

Sa mga kasaping ganap, kelan tayo mag-uusap-usap?
(Eleksiyon at Plano)

Kumustahan tayo! Tinatawagan lahat ng kasapi ng SSP. Online kwentuhan at kilalanan. Isesend namin ang zoom link pag naka...
04/10/2021

Kumustahan tayo! Tinatawagan lahat ng kasapi ng SSP. Online kwentuhan at kilalanan. Isesend namin ang zoom link pag nakaboto na tayo.

Address

F. Antonio Street
Bambang
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Saliksik Pasig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to Samahang Saliksik Pasig:

Share